Walang tiwala sa hustisya
May 13, 2002 | 12:00am
NAKAKIKILABOT ang statistics ni retired general Ramon Montaño. Dati siyang PC-INP chief at presidential adviser on police affairs, kaya alam niya ang sitwasyon sa krimen at pulisya:
Mahigit 200,000 warrants of arrest mula sa mga Korte ang hindi pa nase-serve ng pulis;
Kulang ang PNP sa detectives na taga-imbestiga ng krimen, at walang computerized data bank tungkol sa mga kriminal;
Tatlo sa bawat sampung sala ng huwes ay bakante; walang nais mag-huwes dahil peligrosot maliit ang suweldo; sa Sulu at malaking bahagi ng Muslim Mindanao, walang regional trial court judges;
Karamihan sa mga huwes ay malinis, ngunit maraming piskal ang pabaya sa kaso o kaya nagpapa-areglo;
Bilangguan ang weakest link sa justice system; lahat ng naipakulong na kidnapper bago mag-1995 ay nakatakas sa piitan.
Kung ganyan ang sitwasyon, hindi kataka-taka ang tugon ni dating Justice secretary Silvestre Bello. Pito sa bawat sampung Pilipino ay walang tiwala sa hustisya. Ayon sa marami, ang hustisya ay para sa mayaman at makapangyarihan lamang.
Yan ang dahilan kung bakit wala nang sumusunod sa batas. Magulo ang komunidad. Binabale-wala ang batas, mula sa pagtatapon ng basura o paghinto ng jeepney sa tabi ng kalsada, hanggang sa akyat-bahay o pagbabayad ng buwis. Ang nagiging katuwiran ng marami, para ke pa susundin ang batas, wala namang mapaparusahan sa paglabag.
Kung susundin ang katuwirang ito, mabuti pa ay magkanya-kanya na lang tayo, magbitbit ng tig-isang .45, at magbarilan kapag nasaling.
Para maiwasan ang anarchy o kawalan ng rule of law, dapat ay pag-ibayuhin ang pamumuno sa pulis, prosecutors, jail o prison wardens at judges. Ika nga ni Montaño, pukpok at tutok ang kailangan.
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest