Si Felipe at Santiago
May 3, 2002 | 12:00am
NGAYON ay ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng dalawang alagad sina Felipe at Santiago. Si Felipe ay mula sa Betsaida, isang bayan sa hilagang baybayin ng Lawa ng Galilea. Si Santiago naman ay nagtrabaho sa Jerusalem. Siya marahil ang may-akda ng Sulat ni Santiago.
Ang Ebanghelyo para sa araw na ito ay isang patikim sa "talumpati ng pamamaalam" ni Jesus. "Umalma" si Felipe sa sinabi ni Jesus na nakita na ng mga alagad ang Ama. Ipinaliwanag ni Jesus sa kanila kung paano, lalo na kay Felipe.
Si Juan ang pinagmulan ng salaysay na ito. (Jn. 14:6-14)
"Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung akoy kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.
"Sinabi sa kanya ni Felipe, Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama at masisiyahan na kami. Sumagot si Jesus, Matagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyatat hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka ba naniniwalang akoy sumasa-Ama at ang Amay sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: Akoy sumasa-Ama at ang Amay sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: Ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan Ko."
Ang pagpapahayag ni Jesus na siya ay sumasa-Ama at ang Ama ay sumasa-Kanya ang dahilan kung bakit ang makita si Jesus ay ang makita ang Ama. Ang katawang-taong presensiya ni Jesus ang nagpapahayag sa kanya bilang Anak; kasabay nito ipinapahayag ang Ama bilang na kay Jesus. Hindi natin mauunawaan ang katotohanang ito sa ating isip. Ang paraan ng paggagap sa misteryong ito ay ang paniniwala. Makikita lamang natin ang kaganapan ng katotohanang ito sa kabilang buhay.
Huwag tayong manatili sa ating pagtataka. Pakinggan natin ang nakakapaglubag-loob na mga kataga ni Jesus. Sinasabi niya, "Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko." Hingin ninyo na manatili kayo sa mabuting kalusugan. At na kayo naway lumago sa pag-ibig. Hingin kay Jesus na matutunan ninyong patawarin yaong mga nakasakit sa inyo.
San Felipe at Santiago, ipanalangin ninyo kami.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended