^

PSN Opinyon

Editoryal - Sana nga'y wala nang karahasan

-
NAGING mapayapa ang May 1 rallies at sana’y ganito rin sa mga susunod pang pagdiriwang ng Labor Day. Tanging ang mga pagmumura at pagngangawa ang nangibabaw na karaniwan nang tanawin sa ganitong okasyon. Dalawang grupo ang nagngangawa – mga supporters ni dating President Estrada at ang mga lehitimong manggagawa. Ang kalsada patungong Mendiola ay naging kulay tangerine at pula. Isinisigaw ng mga loyalista ang pangalan ni Estrada at sa kabila ay ang mga benepisyong hinihiling ng mga manggagawa kay President Gloria Macapagal-Arroyo. Maliban sa mga pagbatikos at pagmumura sa gobyerno wala nang nangyaring madugo. Isang bagay na dapat ipagpasalamat nang malaki ni GMA.

Noong nakaraang taon ay nabahiran ng dugo ang pagdiriwang ng Labor Day. Nang araw na iyon lumusob sa Malacañang ang mga supporters ni dating President Estrada. Madaling araw isinagawa ang paglusob dahil umano sa udyok ng mga "gutom" na pulitiko. Nakapasok ang mga Erap supporters sa Malacañang at hindi na mapigilan ng mga riot police. Umulan ng bato at kung anu-ano pang mga bagay. Sinira ng mga loyalista ang anumang bagay na makita sa kalsada – kotse, barandilya, ilaw sa kalsada at nanunog pa. Pinasok ang mga convenient stores, presinto ng pulis at iba pa. Nagkaroon ng putukan. Apat ang namatay at daan ang nasugatan sa riot ng mga loyalista.

Habang nakikipaglaban ang mga loyalista, ang anino naman ng mga nag-udyok na pulitiko ay hindi makita. Kamakailan din lamang nadakip ang leader ng mga loyalista na si Ronald Lumbao. Rebelyon ang kaso ni Lumbao. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Camp Crame. Siya na lamang ang nagpapasan ng mga kasalanan habang ang iba pang pulitikong nag-udyok para magkagulo ay nagtatawa at kukuya-kuyakoy ngayon.

Nasapawan ng mga Erap loyalists ang panawagan ng mga lehitimong manggagawa at wala namang gaanong naipagkaloob si GMA kundi ang wala pa ring katiyakang pagbaba umano ng singil sa kuryente. Nasa balag pa rin ng alanganin ang kalagayan ng mga mahihirap na manggagawa.

Sana nga’y sa susunod pang May 1 ay mapayapa na ang pagra-rally at wala nang dugong dadanak. Iisa ang solusyon dito, pakinggan ni GMA ang karaingan ng lahat – ke Erap loyalists man o mga manggagawang humihingi ng umento. Pantay-pantay sa lahat, ibigay kung ano ang dapat alang-alang sa katiwasayan ng bansang ito.

vuukle comment

APAT

CAMP CRAME

DALAWANG

ERAP

LABOR DAY

MALACA

PRESIDENT ESTRADA

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RONALD LUMBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with