^

PSN Opinyon

Mga Erap loyalists: Huwag n'yong ubusin ang pasensiya ng mga pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Kung ang nakaraang marahas na dispersal ng Erap loyalists sa Supreme Court at US Embassy ang gagawing basehan, sa tingin ko hindi na papayag ang pulisya natin na makaporma pa sila sa darating na EDSA 3 anibersaryo nila sa May 1. Mukhang handang-handa na ang pulisya natin at hindi na sila papayag na maulit pa ang madugong May 1 rally sa Malacañang kung saan halos napasok na ng Erap loyalists ang Gate 7 na kauna-unahang nangyari sa history ng bansa. May leksiyon bang napulot ang pulisya natin sa EDSA 3?

Ang unang napansin ng pamunuan ng pulisya natin ay ang kakulangan ng ground commander noong May 1 na marunong sa tactics and strategy sa civil disturbance para hindi nga ma-overran ang hanay ng anti-riot squad natin. Sa nangyaring EDSA 3, kaya nakapagmartsa ang mga Erap loyalists patungo sa Malacañang dahil may kakulangan si Chief Supt. George Aliño, dating hepe ng Eastern Police District (EPD).

Pinaulanan nga ng tear gas ang mga rallyists subalit sa kasamaang palad ang mga pulis ang naapektuhan kaya sila ang na-disperse. Sa Malacañang naman, huli ng dumating si Chief Supt. Nick Pasiños, hepe ng Manila police, kaya’t nakaporma ang mga Erap loyalists. Nabago lang ang sitwasyon ng dumating si Chief Supt. Vidal Querol, hepe ng Northern Police District (NPD) na siyang umaktong ground commander sa pakikipaglaban sa Erap loyalists hanggang marekober nga nila ang ilang lugar na na-overran na.

Sa pagkahuli ng kanilang lider na si Ronald Lumbao, ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) tiyak na mainit na naman ang ulo ng ating masa. Sa ngayon pa lang kung anu-anong klaseng panggatong na ang ginagawa ng mga kalaban ni Presidente Arroyo para lalong pasiklabin ang kumukulo nilang damdamin. Kaya’t kahit abo’t langit ang pangako ng PMAP at oposisyon na magiging mapayapa at mahinahon ang kanilang selebrasyon sa paggunita ng May 1 bloody riot, walang naniniwala sa kanila.

May lihim silang plano at sa tingin ko ang pulisya na naman ang sisisihin nila kapag humantong na naman sa madugong sagupaan ang kumprontasyon nila. Pero nitong nagdaang araw naman, patuloy ang paghahanda ng pulisya natin dahil nga sa nakita nilang lapses sa madugong May 1 rally. At nangako na rin si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Leandro Mendoza na mega-tolerance ang gagawin nila. Ibig sabihin niyan, kikilos lamang ang pulisya natin kapag sila’y inunahan. Kapwa iwas pusoy ah? Delikado ito.

Sa ginawang pagrereklamo ng mga Erap loyalists sa marahas na dispersal sa kanila sa SC at US embassy may nangyari ba? Kaya ang payo ko sa mga Erap loya-lists, magmartsa kayo at magsisigaw sa darating na Miyerkules subalit ’wag n’yong subukan at ubusin ang pasensiya ng pulisya natin. Kahit anong order pa ang ipinalabas ng mga nakataas sa kanila, itong mga front line units ay hindi na papayag na masaktan pa gaya ng nangyari sa madugong sagupaan sa Malacañang noong nakaraang taon. Ibubuhos nila ang kaalaman sa crowd dispersal and management (CDM) at hindi naman ’yaong mga mayayamang nagtutulak sa inyo ang masasaktan kundi kayo rin na mga mahihirap.

Ang panawagan ko sa masa, buksan ang mga isipan at pairalin ang pag-unawa at hindi ang silakbo ng damdamin na ang mayayaman lang ang makikinabang.

CHIEF SUPT

EASTERN POLICE DISTRICT

ERAP

GEORGE ALI

KAYA

LEANDRO MENDOZA

MALACA

NATIN

PULISYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with