^

PSN Opinyon

Patay sa polusyon

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAUUWI ang paglanghap ng maruming hangin sa nakamamatay na lung cancer. Ito ang tiniyak ng bagong pag-aaral sa Chicago ng 500,000 tao na sumali mula sa iba’t ibang siyudad noon pang 1980s.

Sinukat ng scientists ang polusyon na dinudulot ng usok ng kotse at trucks, at ng coal-fired power plants at pabrika. Natuklasan nila na sa bawat taas ng polusyon nang 10 micrograms per cubic meter ng hangin, nadadagdagan din nang walong porsiyento ang namamatay sa lung cancer.

Marumi ang hangin sa karaniwang siyudad sa Amerika: 25-30 micrograms per cubic meter ang sukat ng polusyon. Nauuwi na ‘yon sa peligrong 20 porsiyento ng populasyon ay maaaring magka-lung cancer.

Wala raw ‘yung pinagkaiba sa paglanghap ng usok-sigarilyo ng isang sanggol mula sa magulang na naninigarilyo. Malamang na magka-lung cancer din ang bata sa maruming hangin sa sariling tahanan.

Pahigpit nang pahigpit ang mga batas kontra-polusyon sa Amerika. Binabantayan nang husto ang emissions ng mga sasakyan, lalo na ng diesel, at mga pabrikang gumagamit ng coal. Pinasasala ang dumi sa pamamagitan ng catalytic converters sa sasakyan at anti pollutants sa pabrika. Pinababawasan ang lead at iba pang masasamang sangkap.

Ginaya ng Pilipinas ang ilang batas sa Amerika at Uropa para linisin ang hangin. Pinataw ng Clean Air Act ang emission tests sa mga sasakyan, binawal ang inci-neration ng basura, binalaan ang factories. Pero maluwag ang enforcement ng batas. Konting padulas lang sa may-kapangyarihan, lusot na. Kaya marumi pa ang hangin sa Pilipinas kaysa industrial countries.

Hindi iniinda ng mga Pilipino ang polusyon. Para sa atin, natural na mausok na bus, jeepney o tricycle. Galit pa ang mga pasahero kapag sinisita ng pulis ang tsuper. Kesyo nangongotong lang daw. Okey lang sa atin ang maitim na usok-pabrika. Katwiran natin, hindi naman natin nakikita ang micrograms ng dumi na sumisira ng ating baga.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8-10 n.u., DWIZ 882-AM.

ABANGAN

AMERIKA

BINABANTAYAN

CLEAN AIR ACT

GALIT

GINAYA

HANGIN

JARIUS BONDOC

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with