^

PSN Opinyon

Sec.Lina arestuhin mo sina Bio, Llamas, Neri at Urdaneta !

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY tip ako kay Interior Secretary Joey Lina. Bukambibig ng mga gambling lords sa Maynila ang pangalang Grace sa operation ng mga taong collectors ng Western Police District (WPD). Sinabi ng mga pulis na nakausap ko na itong si Grace kasi, na madalas makikita sa isang canteen sa likod ng WPD headquarters, ang ginagawang ‘‘bagsakan’’ ng intelihensiya ng ilang unit sa WPD at kasama diyan ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Maynila.

Sa ginagawa ni Grace, hindi masyadong nabulgar ang tong collection ng WPD at CIDG. At napapalayo rin sila sa mga mabagsik na mata ni Dir. Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO). Ayon sa mga kausap kong pulis, ang mga unit na nakikinabang kay Grace maliban sa CIDG ay ang Office of the District Director (ODD), Special Task Force (STF), Special Operations Branch (SOB) at Counter-Intelligence Unit (CIU). Ang contact ni Grace sa apat na unit ng WPD ay si SPO1 Tom Bio, anang mga pulis na nakausap ko.

Pero pang-maliitan lang ang intelihensiya na bumabagsak kay Grace kung ang ODD at STF ang pag-uusapan. Kasi ang nakikialam sa pang malakihan ay itong si SPO3 Jorge Urdaneta sa STF at SPO2 Roland Llamas sa ODD. Get mo Secretary Lina Sir?

Nagtataka ako kung bakit itong CIU ay may intelihensiya rin. Di ba General Aglipay ang trabaho ng CIU ay para hulihin ang mga tiwaling pulis. Bakit nakisawsaw pa sila sa illegal? Dapat siguro ang hepe ng CIU ng WPD ang una mong ipahuli Secretary Lina Sir, para hindi na siya pamarisan pa ng ibang counter-intelligence ng iba pang police districts. At para sa kaalaman naman ni Dir. Nestorio Gualberto, ang CIDG, si PO2 Bayani Neri ay patuloy pa rin sa pag-iikot at pagkolekta ng intelihensiya sa Maynila. Mukhang nagsinungaling ka at hindi totoong nasa Mindanao na na-assign si Neri.

Kung noon ang kinokolekta ni Neri ay para sa CIDG Maynila lamang, sa ngayon ay pati CIDG National Capital Region (NCR) ay dala na niya. Lalong yumabong imbes na mawala ah di ba mga suki? At napuna ng mga gambling lords na mula nang ma-assign bilang hepe ng CIDG Maynila si Supt. Asher Dolina ay biglang bumangis sa pera itong si Neri. Bakit kaya? Mahuhulaan mo kaya Gen. Gualberto Sir? At pati koleksiyon ni Neri ay kay Grace rin dumadaan. He-he-he! Walang baho na hindi nabubulgar.

Pero sa katotohanan, hindi naman kumikita ng malaki si Grace dito sa operation ng tong collectors ng CIDG at WPD. Sa pagkaalam ko kasi, inaabutan lang ng kararampot na P200 kada kolektor itong si Grace sa kanyang pakikialam. Panawid-gutom rin yan di ba mga suki? Sa ngayon, buhay na buhay ang tong collection sa Maynila taliwas sa ibig mangyari ni Secretary Lina. Ibig sabihin niyan malaganap na rin ang pasugalan, roon tulad ng jueteng, video karera, racehorse bookies at iba pa. Itanong mo ’yan Chief Supt. Nick Pasinos kina Andoy dela Cruz, Rene Ocampo, Jose Maranan, Boy Abang, Milo Samson, Boboy Go, Apeng Sy, Eric Ang at iba pa at patutunayan nila. Hayan Secretary Lina, arestuhin mo at ipakulong itong sina Bio, Llamas, Urdaneta at Neri para maniwala ang publiko na seryoso ka sa kampanya mo sa jueteng.

vuukle comment

APENG SY

ASHER DOLINA

BAKIT

BAYANI NERI

CIDG

GRACE

MAYNILA

NERI

SECRETARY LINA SIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with