Editoryal - Hiwaga ng paglaya ni Fr. Pierantoni
April 12, 2002 | 12:00am
NANG iharap ang kinidnap na Italian priest kay President Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes, walang makitang pagkagimbal sa kanyang paglaya mula sa Pentagon gang. Sa tingin namin, inaasahan na niya iyon. Ito marahil ang dahilan kaya sinabi ni Pierantoni na isang "himala" ang kanyang paglaya.
Iniwan umano siya ng mga bumihag sa kanya pagkaraan ng 12-oras na paglalakad sa kagubatan. Lalo siyang nagulat nang makita ang mga pulis at may nakaabang nang ambulansiya na naghihintay na sa kanya. Subalit habang sinasabi ni Pierantoni na "himala" ang kanyang paglaya, marami rin naman ang nahihiwagaan sa tunay na dahilan. Hindi maalis sa isipan na nagkaroon ng bayaran ng ransom kaya napalaya ang pari. Nanindigan naman si GMA na walang naganap na ransom payment.
Hindi malusaw ang paghihinala sa ransom payment. Lalong naging mahiwaga ang paglaya ni Pierantoni nang isang oras makaraang makaalis sa Malacañang sinabi nito sa isang interbyu na tatlong araw bago ang kanyang paglaya, nagkaroon na ng negosasyon tungkol dito.
Nakalilito ang mga pahayag at hindi malaman kung sino ang paniniwalaan. Kung walang bayaran ng ransom na nangyari gaya ng sinabi ng Malacañang, bakit hindi nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga pulis at Pentagon. Bakit hinayaang makalayo ang mga ito makaraang iwan si Pierantoni? At bakit hindi alam ng mga sundalo ang operasyon ng mga pulis. Nakapagtataas din ng kilay ang sinabi ng military na nang makarating sila sa Upper Tungawan (lugar na kinakitaan kay Pierantoni), nagulat sila nang makita roon si PNP chief Leandro Mendoza kasama ang Presidential adviser na si Bert Gonzales. Sinalubong ng mga ito ang pari.
Hindi nawawala ang paghihinala. Masisisi ba ng pamahalaan ang taumbayan kung maniwala na nagkabayaran ng ransom para mapalaya ang pari? Hindi na kataka-taka kung mayroon man sapagkat sa nakalipas, ang pagbabayad ng ransom ay karaniwan na lamang. Maski ang mga halang ang kaluluwang Abu Sayyaf ay namera nang husto sa walang tigil na pangingidnap. Naging isyu rin ito sa paglaya ni Reghis Romero, na pinatunayan naman ni Fr. Cirilo Nacorda na nagbayad ng ransom.
Kung nagkabayaran ng ransom kaya napalaya si Fr. Pierantoni, ang pamahalaan ang dapat sisihin kung patuloy pang mamayagpag ang mga kidnaper sa Mindanao. Patuloy ang pamemera kaya patuloy ang problema.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest