^

PSN Opinyon

Overtime ng taxi driver

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
TAXI driver si Manny sa mga taksing pag-aari ni Pedro. Wala siyang tiyak na suweldo. Binabayaran siya ng 20 percent komisyon batay sa kabuuang kita ng taksing minamaneho niya. Wala siyang takdang oras ng trabaho. Sa isang araw maaari siyang magmaneho ng walong oras o kulang sa walong oras o kahit na 24 na oras kung Sabado at Linggo. Walang hangganan ang kanyang pagmamaneho kundi ang pangangailangan ng kanyang katawan, hilig o hangad niya. Kaya may araw na malaki at may araw na maliit ang kita niya.

Sa ganitong sitwasyon ang karaniwang ingreso niya sa isang araw ay umaabot ng P1,500. Kung Linggo ito’y umaabot ng P3,000. Dito kinakaltas ang 20 porsiyentong komisyon niya.

Pagkatapos magtrabaho ng tatlong taon, nawalan ng trabaho si Manny dahil pinagbili ni Pedro ang mga taksi at di na pinagmaneho pa si Manny ng bagong may-ari. Idinemanda ni Manny si Pedro upang bayaran siya ng overtime sa mga panahong nagmamaneho siya ng lampas sa walong oras at sa mga araw ng Linggo at pista opisyal. Makakakuha ba si Manny ng overtime?

Hindi.
Ang isang empleyadong walang tiyak na suweldo at tumatanggap ng iba’t ibang bayad batay sa trabahong nagawa at di batay sa oras ng trabaho ay di sakop ng "Eight-Hour Labor Law" at walang karapatang sumingil ng karagdagang suweldo. Si Manny ay isang taksi driver na walang tiyak na suweldo at ang oras ng trabaho niya ay paiba-iba at hindi regular. Sumusuweldo siya batay sa resulta at hindi sa uri ng trabaho. Kaya maituturing na siya’y isang manggagawang por piraso na walang karapatan sa overtime pay. (Lara vs. Del Rosario 94 Phil. 778)

BINABAYARAN

DEL ROSARIO

DITO

EIGHT-HOUR LABOR LAW

KAYA

KUNG LINGGO

LINGGO

ORAS

SI MANNY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with