Editoryal - Kailangang dumilat sa katotohanan
February 21, 2002 | 12:00am
KAHIT na hindi ipakita sa publiko at maging sa mundo ang di-makataong pagpatay ng mga bandidong Abu Sayyaf, marami pa rin ang magnanais na mapuksa ang grupong ito. Kahit na hindi ipakita ang video, malalarawan na sa isipan ng marami kung gaano kahayop ang mga bandido na sunud-sunod ang ginawang pangingidnap at pagpatay. Kamakalawa lamang, kahit na gumagapang na ang mga Amerikanong sundalo sa Basilan, nangidnap pa ang mga bandido. Nabawi naman ang mga bihag na kinabibilangan ng dalawang magsasaka. Ngayong ipinakita na nga ang aktuwal na pagpugot sa ulo, lalo pang lumakas ang sigaw na dapat ngang pulbusin na ang grupo.
Noong January 1995 pa kinuha ang video subalit noong nakaraang taon lamang narekober ng military makaraang salakayin ang kuta sa Basilan. Ipinakita sa video kung paano tinatagpas ng isang miyembro ng Abu Sayyaf ang ulo ng bihag na sundalo na kabilang sa 44th Infantry Battalion. Tatlong taga ang ibinigay ng bandido sa bihag na sundalo at napugot ang ulo.
Ang pagpapalabas ng video ay kinondena naman ng mga militanteng grupo at oposisyon. Hindi raw dapat. Masama raw ang magiging epekto sa bata kapag napanood. Dapat daw ay inedit muna ang video bago pinalabas. Dapat daw ay sa kalaliman ng gabi ito ipalabas para hindi mapanood ng mga bata. Marami pang dahilan na ang dulo rin ay ang kanilang isinisigaw na hindi dapat idaos ang "Balikatan" sapagkat niyuyurakan ang mga Pilipino.
Kung may tumututol, mas marami ang pumapayag na mapuksa na ang mga bandido. Paano nga ba malilimutan ang ginawa ng mga bandido sa mga kawawang biktima na kinabibilangan nina Fr. Roel Gallardo, Editha Lumame, Ruben Democrito at Annabelle Mendoza noong 2000. Binunot ang mga kuko ni Fr. Gallardo bago pinatay. Si Editha, isang teacher ay tinapyasan ng suso samantalang sina Democritu at Mendoza ay walang awang binaril hanggang sa mamatay. Nasisiguro namin na ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga biktimang nabanggit ay hindi natitigatig makita man nila sa TV ang video sapagkat mas masahol ang nangyari sa kanilang mahal sa buhay. Gaano kasakit iyon?
Nakapagngingitngit naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sapagkat isang taon na nilang iniingatan ang video subalit tila walang epekto sa kanila. Iniingatan pa rin nila ang kahayupang ipinakita at wala silang nagawa para pagbayarin ang mga bandido. Kailangan pa silang tulungan ng mga Kano. Tulad din sila ng ibang tumututol na ayaw dumilat sa katotohanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest