^

PSN Opinyon

Tungkol sa pag-aayuno

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo ngayon, si Jesus ay isinasalarawan bilang lalaking ikakasal. At ang sangkatauhan bilang babaeng ikakasal. Sa Ebanghelyo ngayon, may problema ang mga tagasunod ni Juan Bautista at ang mga Pariseo. Sila’y nag-aayuno ngunit ang mga tagasunod ni Jesus ay hindi nag-aayuno. May sagot si Jesus (Mt. 9:14-15).

"Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, ‘Malimit kaming mag-ayuno, gayundin ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?’ Sumagot siya, ‘Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikinasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno.’ "


Kayo ba’y nakadalo na sa kasalan? Ang bawat isa sa handaan ay kumakain ng masasarap na pagkaing handa. Walang sinumang nag-aayuno o umiiwas na kumain. Bawat isa ay masaya. Tinugon ni Jesus ang mga kumokontra sa pamamagitan ng pagsabi na habang siya, ang lalaking ikakasal, ay kasama nila, ang kanyang mga alagad ay hindi inaasahang mag-ayuno. Tinuturuan sila ni Jesus na matutong tunay na magpakatao. Pinapahalagahan ni Jesus ang pagpapakatao. Dapat itaguyod ng mga alagad ang dangal ng tao. Yaon ang pananaw ng Diyos, pananaw ng Ama, para sa bawat nilalang na kanyang nilikha. At sinugo niya si Jesus upang ipakita kung paano maging tao at magpakatao.

Sa bandang huli, si Jesus ay maghihirap, magpapakasakit at mamamatay. Yaon ang panahon nang ang mga alagad ay mag-aayuno. Ang pag-aayuno, samakatuwid, ay paghahanda sa atin upang maging matatag sa harap ng mga pagsubok at mga hamon. Ang Kuwaresma ay panahon ng pag-aayuno at pagpapatatag sa ating mga sarili.

vuukle comment

AAYUNO

ANG KUWARESMA

BAKIT

BAWAT

JESUS

JUAN BAUTISTA

PARISEO

SA EBANGHELYO

YAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with