^

PSN Opinyon

Mga Kristiyano: Asin at ilaw

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Bawat isa’y nakakaalam kung gaano kahalaga ang asin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang asin ay nagpapalasa ng pagkain. Pinananatili rin nito na di-mabulok agad ang pagkain. Ganoon din kahalaga ang ilaw sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kailangan natin ang ilaw sa gabi. Alam natin kung gaano kahirap kapag may brownout sa gabi.

Talos ni Jesus ang kahalagahan ng mga pangunahing elementong ito ng asin at ilaw. At sinasabi niya sa atin na ganoon dapat ang mga Kristiyano. Sa tahasang pagsasalaysay, ibinigay sa atin ni Mateo ang mga kataga ni Jesus (Mt-5:13-16).

"‘Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapapanauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

"‘Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw na naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayon din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit.’"


Ang isang Kristiyano na may pananampalataya ay nananalig at nagmamahal sa Diyos. Sa ganito, makabuluhan ang kanyang pamumuhay. May pagmamahal at pangangalaga siya sa kanyang kapwa tao. Ang kanyang pananalig ang nagbibigay sa kanya ng isang pananaw at misyon na isinasabuhay niya dito sa mundo ngunit ang mga kagalakan nito ay lampas pa o higit pa sa buhay dito. Ang isang Kristiyanong matapat sa kanyang sinumpaan sa kasal, ang isang Kristiyanong matapat sa kanyang pamamalakad ng kanyang opisina maging ito man ay pribado o gobyerno ay asin at ilaw para sa ibang tao. Ito ang nais ni Jesus na dapat maging ang bawat Kristiyano. Bilang isang Kristiyano, kayo ba’y ilaw para sa ibang tao? Bilang isang Kristiyano, sa pamamagitan ba ng iyong salita at kilos ay ipinamamalas mo na ang iyong buhay ay makabuluhan at masaya?

ALAM

ASIN

BAWAT

BILANG

DIYOS

GANOON

ILAW

ISANG

KRISTIYANO

KRISTIYANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with