^

PSN Opinyon

Buwagin ang Commission on Appointments

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HANGGANG isinusulat ko ang column na ito hindi pa rin pumapasa sa Commission on Appointments (CA) sina Sec. Sonny Alvarez ng DENR, Sec. Bebot Alvarez ng DOTC at Finance Sec. Lito Camacho. Umiikot pa rin ang kanilang puwit sa paghanap ng paraan kung paano sila mako-confirm.

Dumaan din sa butas ng karayom bago inaprubahan ng CA si Justice Sec. Nani Perez at Defense Sec. Angelo Reyes. Puti lang ng mata ng mga ito ang walang latay bago binigyan ng basbas ng mga anak ng Diyos sa Senado.

Talaga bang kailangang aprubahan pa ng CA ang pagtatalaga ng mga Cabinet members? Kailangan, sapagkat ito ang nakasaad sa ating Konstitusyon. Subalit talaga bang nararapat ito batay sa mga hindi mabubuting pangyayari sa tunay na layunin at espiritu ng nasabing batas?

Bakit kailangan pang dumaan sa CA ang mga itinalagang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na magsisilbi at mamamalakad ng kanyang tungkulin sa ngalan at awtoridad ng Presidente ng bansa? Tanging ang Presidente lamang ang may responsibilidad at may pananagutan sa aksyon at gawain ng mga opisyal na ito at hindi naman ang CA o miyembro ng mataas at mababang kapulungan.

Maliwanag na panggulo lamang ang CA. Ginagamit ito ng mga walanghiyang pulitiko para sa kanilang personal na interes. Sa ngayon, kitang-kita ang aksyon ng ilang pulitiko na ginagamit ang kanilang posisyon sa CA upang makaganti sa mga taong pinili ng Presidente. Tanungin ninyo sina Nani, Lito, Joey, Bebot at Sonny.

ANGELO REYES

BAKIT

BEBOT ALVAREZ

DEFENSE SEC

FINANCE SEC

JUSTICE SEC

LITO CAMACHO

NANI PEREZ

SONNY ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with