Abusong tuition

January 22, 2002 | 12:00am
Ilan sa inyo ang may anak na graduating na sa high school nitong 2002? Ilan sa inyo ang naghahanda na para sa college education nila? Nabiktima rin ba kayo ng private colleges na humingi nu’ng Disyembre ng reservation fees na di na puwedeng i-refund?
Maraming colleges na gumagawa ng raket na ‘yan. Naniningil sila ng P5,000 hanggang P15,000 na reservation fee para makakuha ng entrance exam ang pa-graduate pa lang sa high school. May mga batang dalawa o tatlo ang kinukuha ng entrance exam. Naninigurado na may maipapasa. Kaya masakit sa bulsa ng magulang.
Ang masaklap doon, miski Pebrero o Marso pa ang entrance exam, pinatutubuan na ng dupang na colleges ang siningil na pera nu’ng Disyembre. Tapos, pagkuha ng entrance exam, sumisingil pa uli ng advance tuition. Panibagong P5,000 hanggang P15,000. E sa Abril pa lalabas ang resulta ng exams. Panibagong patutubuang pera. Hindi rin puwedeng i-refund.
Naiintindihan natin na may kanya-kanyang patakaran ang private schools. Kung ayaw natin ang patakaran, puwede nating talikuran. Pero kung pare-pareho na sila ng patakaran sa nonrefundable reservation fees at advanced tuition, hindi na tayo puwedeng basta tumanggi. Wala na tayong free choice. Obligado tayong sumunod sa kanila, sa hangad na maipasok sa college ang mga bata. Hostage nila tayo, kumbaga.
Naalala ko tuloy ang pag-aaral sa mga negosyong Pinoy. Inalam ng experts kung ano’ng business ang pinaka-matindi ang cash flow, kung sino ang di nauubusan ng cold cash sa kaha de yero o sa banko. Hindi restaurant, na parating may diners, tag-hirap man o tag-sagana. Hindi rin ospital, kung saan lalong nagkakasakit ang mga pasyente sa tindi ng singil. Hindi funeraria, kung saan may bugtong na ang gumawa ng ataul ay ayaw maihiga roon, ang nagbayad ay di naman para sa kanya, at ang gumamit ay hindi alam na nandoon siya. At hindi rin ice plant, kung saan mabili man o hindi ang produkto, ubos bago matapos ang araw. Ang sagot: Iskuwelahan, dahil sa raket na nabanggit ko.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended