^

PSN Opinyon

Nakababahala na ang kidnapping sa bansa

BANAT NI BATAGUIS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Nabahala na si President Ferdinand Marcos Jr. sa sunud-sunod na kidnapping sa bansa matapos na makapagtala ng 12 kidnapping cases na ang 10 sa mga ito ay mga negos­yanteng Chinese.

Kaya agad na ipinag-utos ni Marcos kay Philippine Na­tional Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil­ ang agarang imbestigasyon para matukoy kung anu-anong grupo ang kumikilos ngayon sa pagkidnap ng mga Chinese.

Kinondena ng Federation of Filipino Chinese Chamber­ Commerce Industries Incorporated (FFCCCII) ang aksyon ng PNP upang protektahan ang mga negosyanteng Chinese na nagiging target ng mga sindikato o criminal.

Noong Miyerkules, nakitang nakabalot sa plastic bag ang negosyanteng si Anson Que at ang drayber nito sa madamong lugar sa gilid ng highway sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Barangay Chairman Juanito Catayoc ng Bgy. Macabud, nakita ng ilang residente ang kahina-hinalang nakabalot sa plastic bag kaya agad nila itong inireport sa kapulisan.

Dinala ang mga bangkay sa Camp Crame at doon na kinumpirma ni BGen. Jean Fajardo, spokeperson ng PNP na ang biktima ay ang negosyanteng si Anson Que at ang drayber nito. Si Que ay ilang araw nang nawawala mula nang umalis sa kanilang bahay sa Valenzuela City.

Ayon sa mga kaanak ng biktima nagbigay sila ng P100 milyon sa mga kidnapper ni Que.

Nagpakalat naman ng mga tauhan itong si Calabarzon Police Director BGen. Paul Kenneth Lucas upang i-back­track ang mga posibleng dinaanan ng mga suspek. Nag­lagay siya ng mga check point sa ilang lugar partikular na sa mga kalsada sa  Batasan, Quezon City.

Sinibak naman ni Marbil ang bagong promote na si BGen. Elmer Ragay ng Anti-Kinapping Group. Sa tingin ni Marbil ay nagkukuya-kuyakoy lamang si Ragay sa kanyang malamig na opisina. Sunud-sunod na ang kidnapping pero hindi kumikilos si Ragay kaya nagalit si Marbil.

Sa tingin ko, kulang ang mga checkpoint ng PNP. Pala­gay ko ang tinututukan ng mga pulis ay pagbibigay ng proteksiyon sa mga kandidato.

Ano ang aasahan ng mamamayan sa kapulisan? Kaila­ngang mahuli ang mga sindikatong dumudukot at puma­patay sa mga mayayamang negosyante sa bansa. Kilos PNP!

CHINESE

ROMMEL FRANCISCO MARBIL­

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with