^

PSN Opinyon

Ang anak ng aking upo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Maagang dumating si Iking sa aming bahay at may dala na nasa isang supot. Nasa bakuran ako at inaayos ang balag ng aking upo.

"Itlog ito ng ating manok, Doktor,’’ sabi at iniabot sa akin ang supot. Naalala ko na binigyan noon si Iking ng aking asawa ng anim na native na manok. Nangingitlog na pala ang mga iyon.

‘‘Magara ang balag mo, Doktor. Baka mahiyang umakyat diyan ang upo,’’ bati ni Iking.

‘‘Oo nga,’’ umayon ako. ‘‘Isang daang piso na ang nagagastos ko sa balag na ito.’’

‘‘Namumunga na ba?’’

‘‘Hindi pa nga. Pero okey lang at masarap na libangan. Para bang nakakalimutan ko ang lahat ng problema sa opisina. At pag-usbong ng talbos ay para akong kasali sa gawa ng paglikha ng Diyos.

‘‘Saan ba ninyo nakuha ang binhi ng upo?’’

‘‘Binigay ng isang magsasaka sa karatig nayon. Sabi sa akin lagyan ko raw ng mga kapirasong kawayang nakabitin ang balag at ito raw ang magpapabunga. Puwede rin daw ang butas ng palayok. Pero hanggang ngayon ay wala pang bunga.’’

‘‘Madali iyan Doktor,’’ sabi ni Iking. "Takutin mo. Kumuha ka ng isang matulis na patpat at tusukin mo ang isang tangkay. Makikita mo at magkakabunga ‘yan.’’

Umalis na si Iking. Nang walang nakakakita ay kumuha ako ng matulis na patpat. Gagawin ko ang sinabi ni Iking. Sawa na ako sa puro dahon ng upo at walang bunga.

Hinawakan ko ang tangkay at sinaksak ito ng patpat. Tumulo ang dagta na parang dumudugo. Medyo naawa pa ako. Para bang sumigaw sa sakit ang upo.

Pagkaraan ng isang linggo, napansin ko ang upo na may isang bulaklak na may bukong pahaba. Nagkabunga na nga ang aking upo.
* * *
Masaganang Bagong Taon sa lahat!

BINIGAY

DIYOS

DOKTOR

GAGAWIN

HINAWAKAN

ISANG

MASAGANANG BAGONG TAON

PERO

UPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with