Mga dapat gawin kung may sipon at ubo
December 12, 2001 | 12:00am
HABANG papalapit ang Pasko ay palamig nang palamig ang klima. Pinalalamig pa ng mga pag-ulan kaya marami ang nagkakaroon ng sipon, ubo at iba pang respiratory diseases. Narito ang ilang payo, lalo na sa mga magulang para pangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga anak.
Makatutulong ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin para sa nangangating lalamunan. Ugaliing painumin ang bata ng maraming tubig at fruit juices. Ang pag-inom ng tsaa at iba pang mainit na sabaw ay mas mabisa para sa pagdaloy ng nasal secretions. Iwasan munang painumin ng malamig na tubig ang mga bata.
Iwasan din ang pagkakaroon ng stress at iba pang mabibigat na physical activities. Ipinapayo ang pagpapahinga. Kung may sipon ang bata ay puwede pa rin siyang pumasok sa school pero kung malala ang sipon at ubo huwag na siyang papasukin dahil mahahawa niya ang kanyang mga kaeskwela.
Ang sobrang sipon at pamumula ng ilong dahil sa mucuos secretions ay mapipigil sa pamamagitan ng light application ng petroleum jelly at skin lotion.
Sa mga taong may edad na, kapag may sipon at ubo ay iwasan ang pag-inom ng alak. Ayon sa mga health authorities, alcohol dilates blood vessels and may produce more nasal congestion. Nagbubunga rin ito ng pananakit ng ulo at tiyan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended