^

PSN Opinyon

Socio-Economic Summit: Matatag ang ekonomiya

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
IDINAOS ang Socio-Economic Summit noong Lunes. Binalangkas sa summit ang mga programang magpapatibay ng ekonomiya na sinagasaan ng krisis dulot ng pag-atake ng mga terorista sa United States noong Setyembre 11. Ang summit ay nilahukan ng iba’t ibang sektor ng lipunan mula sa hanay ng mga manggagawa, kabataan, non-government organizations, negosyante at civil society.

Bago ginanap ang summit, nagkaroon muna ng kunsultasyon sa iba’t ibang rehiyon na tumalakay sa maraming usapin gaya ng pinansiyal at pisikal na patakaran, agrikultura, pandaigdig na kalakal, turismo, information technology, edukasyon, kalusugan, kapayapaan, seguridad at pamamahala. Kabilang din sa mga tinalakay ang pagpapabuti ng koleksiyon ng buwis ng BIR at Customs.

Inaasahan ang mga kasunduan at mga panukalang nilagdaan sa summit ay muling magpapasigla sa ating ekonomiya. Binigyang-diin sa summit ang balakid sa pag-unlad ay ang hindi maayos na sitwasyon sa seguridad. Kinakailangang mapanatag ang kalooban ng mga negosyante at mangangalakal na mamuhunan sa bansa maging nang mga mamamayan upang sumigla ang ating ekonomiya. Kailanman, habang may pangamba at agam-agam ay hindi tuluyang maipatutupad ang mga konkretong programa sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang pundasyon ang maayos at matiwasay na seguridad at kalagayang pulitika sa anumang repormang ipatutupad.

Kung kaya sa mga naging panukala at kasunduan ay sasabayan ng mga repormang pang-ekonomiya ang mga konkretong hakbang upang mas mabilis ang pagbangon ng ating bansa. Hindi lamang ang pamahalaan at administrasyon ang may papel sa pagkamit natin ng kaunlaran kundi mahalaga rin ang lubos na suporta ng pribadong sektor maging ang mga mamamayan. Ang pagsasama-sama ng lahat ng sektor ng lipunan sa Economic Summit at hudyat ng panibagong pag-asa para sa mas matatag na ekonomiya. Ngayon higit na kailangan ang ating suporta at malasakit sa ekonomiya para sa kinabukasan ng bansa.

BINALANGKAS

BINIGYANG

ECONOMIC SUMMIT

EKONOMIYA

INAASAHAN

SOCIO-ECONOMIC SUMMIT

SUMMIT

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with