^

PSN Opinyon

Ang Pasko sa bata

PILANTIK - PILANTIK Ni Dadong Matinik -
Noong kami’y bata ang Pasko’y masaya
Sama-sama kaming magkababata;
Sa mga lansangan kami’y makikita
Grupo-grupo kami na nagsisikanta.

Inaawit nami’y awiting Pamasko
Pagkat mga musmos ay wala sa tono;
Lata ng sardinas aming pinapalo
Si Ate ang dala ay munting kaldero.

Mga kapitbahay ang tinatapatan
Sa mga bintana’y masayang durungaw;
Nag-aabot sila ng pera’t kalamay
Kaya tuwa nami’y hindi magkamayaw.

Pagod na katawa‘y ipinapahinga
Kapagka napansing tumatanghali na;
Subalit sa gabi ay balik-kalsada
At muling aawit na barka-barkada.

At hindi lamang kami ang nagsisiawit,
Ang lahat ng bata sa buong daigdig
Ay kasama namin at aming ka-tinig
Sindami ng stars na nasa sa langit.

Kaya nga ang Pasko at ang mga bata,
Tunay na masaya kung Paskong dakila;
Ang gulo sa mundo ay di alintana
Walang Abu’t Laden na mapaminsala.

Masaya ang Christmas kapag namamasko
Ang maraming bata sa lahat ng dako;
Sa Ninong at Ninang kapag nagmamano
Ay taos sa puso ang damdamin nito.

vuukle comment

GRUPO

INAAWIT

KAPAGKA

KAYA

MASAYA

PASKO

SA NINONG

SI ATE

WALANG ABU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with