^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Solusyon ang problema sa basura

-
Mabigat na problema ang kahaharapin ng mga taga-Metro Manila kapag hindi nakakita nang pirmihang pagtatapunan ng basura. Malamang na mabahong Pasko at maalingasaw na Bagong Taon ang danasin ng mga residente. Mula nang mag-Todos los Santos ay lalo pang dumami ang mga tambak na basura na makikita sa kung saan-saang lugar sa Metro Manila. Pinakamaraming tambak ng basura sa San Juan at Maynila. Ang mga hindi nakokolektang basura ang pinamamahayan ng mga langaw at daga na magdadala ng sakit sa residente. Ang bundok ng basura’y patuloy na tumataas at walang magawang dagliang paraan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at mga city mayor. Tanging ang Navotas lamang ang nakatuklas na ng permanenteng pagtatapunan ng kanilang basura.

Problema ang basura noon pa at nakapagtatakang walang magawang pangmatagalang solusyon ang mga pamahalaan. Kaya ang nangyayari’y pabalik-balik ang problema na animo’y cancer. Lalo pang lumalala habang nagpapalit-palit ang mga namumuno sa MMDA. Bagamat nagsasagawa ng pagpupulong ang mga mayor sa Metro Manila, wala silang mabuong solusyon sa problema ng basura.

Nagkaroon ng garbage summit noong February ng taong ito upang talakayin ang lumalalang problema sa basura. Dumalo si President Gloria Macapagal-Arroyo subalit ang summit ay nauwi sa wala. Walang nabuong solusyon bagay na nagpabugnot kay GMA. Natapos ang summit at pawang laway ang natapon sa sahig. Noong nakaraang buwan, ipinatawag ni GMA ang mga local executives at miniting ang mga ito tungkol sa garbage problem. Wala ring nangyari sa meeting.

Kung anu-ano pa ang naisip. Hanggang sa sabihin ng Malacañang na sa Bataan itatapon ang basura. Hahakutin doon ng barge. Tinutulan ito ng mga taga-Bataan. Ayaw nilang maging basurahan ng taga-Metro Manila. Ganito rin ang nangyari noong nakaraang taon makaraang maisip ng da-ting MMDA Chairman Jejomar Binay na dalhin sa Semirara ang basura. Tumutol at nagbarikada ang mga taga-Semirara.

Lumalala ang problema sa basura at mabagal sa pag-iisip ang may responsibilidad. Mas mainam pang ang bawat mayor na lamang ang mag-isip ng solusyon at huwag nang makialam pa ang MMDA. Katulad ng ginawa ng Navotas mayor, maaaring gayahin din ito ng ibang mayor. Dapat makipag-ugnayan ang mga mayor sa barangay chairman at magsagawa ng kampanya tungkol sa tamang mga gagawin sa basura. Ipaunawa ang paghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi nabubulok at ang kahalagahan ng composting.

BAGONG TAON

BASURA

CHAIRMAN JEJOMAR BINAY

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAVOTAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAN JUAN

SEMIRARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with