^

PSN Opinyon

Sisihin ang pulis

SAPOL - Jarius Bondoc -
"Tila wala nang ligtas sa panahon ngayon," ani Joseph Estrada nang mabalitaan ang malagim na pagpaslang kay Nida Blanca. Ganoon din ang damdam ng ibang tao – mayaman man o mahirap, malapit man o fans lang ni Nida.

Ang kaibahan lang ay kung sino ang sinisisi nila. Anang isang abogado niya, tinutukoy daw ni Erap ang pamumuno ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Malamya raw kasi ang tutok niya sa pulis. Aba’y delikadong sabihin ‘yon. Baka bumalik kay Erap ang pitik niya. Naganap ang krimen sa San Juan, kung saan mahigit isang dekada siyang nag-meyor. Pumalit sa kanya ang anak na si Jinggoy; mahigit isang dekada rin. Nakaupo ngayon ang isa pang anak na si JV Ejercito. Segun sa batas, meyor ang pumipili ng hepe ng pulis.

Karamihan sa atin, pulis ang sinisisi sa lumalalang crime wave. Pulis sa kanya-kanyang lugar dahil sa akyat-bahay at snatcher. Pulis sa Anti-Kidnapping Task Force dahil sa dalawang insidente ng abductions kada linggo simula Enero. Pulis sa Narcotics Command dahil sa laganap na droga na binebenta sa loob mismo ng Camp Crame.

Karamihan sa atin, naniniwala ding hindi lang sa termino ni GMA ang paglala ng krimen. Nagsimula ‘yon nang umabuso ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force nu’ng nakaupo pa si Erap. Pumasok sa kung anu-anong raket: shabu, proteksiyon sa Kuratong Baleleng at Solido Gangs, car theft, pamemeke ng titulo sa lupa. Buwag man ang PAOCTF, naiwan pa rin ang masamang ehemplo.

Pero hindi maaaring gawin itong rason ng bagong pamunuan ng PNP. Sila na ang naka-puwesto; sila na ang may hawak sa disiplina at direksiyon ng kapulisan. Kaya nga lang, puro sikuhan at sipsipan ang inaatupag nila. Pasiklaban kay GMA. Wala namang accomplishments.

Si GMA naman, panay ang puri sa kanila. Tinawag pang tila Eliot Ness si PNP chief Leandro Mendoza. Magaling daw sa pag-imbestiga. E kung talaga bang magaling, bakit hindi malutas hanggang ngayon ang malalaking krimen tulad ng pagkidnap kina Bubby Dacer at Edgar Bentain?

vuukle comment

ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

BUBBY DACER

CAMP CRAME

EDGAR BENTAIN

ELIOT NESS

ERAP

JOSEPH ESTRADA

KARAMIHAN

KURATONG BALELENG

LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with