Editoryal - Sariling produkto'y tangkilikin
November 8, 2001 | 12:00am
Ang plano ng House of Representatives na buhayin ang "Filipino First" policy ay isang magandang hakbang para maisalba ang nakadapang ekonomiya ng Pilipinas. Bagamat mahirap ito sa simula, may kahahantungan naman. Mahirap sapagkat ang mga Pilipino ay nasanay nang bumili ng mga gamit o bagay na imported. Mainam kung magkaroon ng kampanya ang pamahalaan para matuto ang Pinoy na tumangkilik sa sariling produkto. Mas magaling kung ang mga namumuno ang magpapakita ng magandang halimbawa na hindi na dapat pang umangkat ng mga imported products. Dapat sa kanila magsimula para matuto ang mamamayan na bilhin ang produktong Pinoy.
Ang pagbuhay sa "Filipino First" ay nakasaad sa Section 21 ng special provisions ng inaprubahang P781-billion budget para sa 2002. Sinasabi sa Section 21 na ang lahat ng mga bibilhing equipment, supplies at iba pang produkto ay kinakailangang gawa locally. Magkakaroon lamang ng importasyon ng mga nasabing gamit o equipment kung ito ay hindi ginagawa sa bansa. Kabilang sa mga ito ang mga heavy equipment para sa mga infrastructure projects o kung ang pondo ay galing naman sa foreign borrowing.
Makababangon ang ekonomiya ng bansa sa pagbuhay sa "Filipino First" policy at matutulungang magbukas muli ang mga kompanya o pabrikang nagsara. Maraming kompanya at factory ang nagsara sa mga nakalipas na taon at nagpapatuloy pa sa kasalukuyan dahil sinagasaan nang walang kontrol na importasyon at pagpasok ng mga smuggled goods. Nalugi na ang gobyerno ay kinawawa pa ang mga local manufacturers.
Sa kasalukuyan, pawang mga imported na bagay ang nabibili sa mga supermarkets at groceries. Maski ang mga toothpick na maaari namang gawang Pilipinas ay nanggagaling pa sa China. Pati ang naka-delatang buko juice ay nanggagaling pa sa Thailand na kung tutuusin ay hindi na dapat mangyari sapagkat maraming niyog sa Pilipinas.
Bukod sa paglilimita sa pagbili ng mga imported na kagamitan, dapat din namang maghigpit ang gobyerno sa pagdagsa ng mga smuggled goods. Bigatan ang parusa sa mga mahuhuling smugglers. At ang mahalaga, dapat pag-ingatan at paghusayan ng mga local manufacturers ang kanilang produkto upang maagaw sa pagkahaling sa mga bagay na imported. Isang problema kung bakit kakaunti lamang ang tumatangkilik sa sariling produkto ay dahil sa mababang kalidad. Kapag nagawa ito, lalakas ang piso sa dollar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest