^

PSN Opinyon

Malaki ang pananagutan ng Napocor at Meralco

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
Marami na naman ang na-high-blood kahapon nang magkaroon ng blackout sa Luzon. Tiyempung-tiyempo naman na dalawang oras pa lamang nakaalis si President Gloria Macapagal-Arroyo patungong Brunei nang mawalan ng kuryente.

Nawala ang kuryente dakong alas-4:45 ng hapon. Marami ang nag-isip na baka natuloy na ang matagal nang lumalaganap na tsismis tungkol sa kudeta at kaya umalis si GMA ay upang tumakas. Susmaryosep, talaga namang saksakan ng nerbiyos ang mga Pilipino lalo na at ang ilang miyembro ng ibang pamilya ay hindi pa nakababalik mula sa pagbabakasyon. Kapansin-pansin ang pagkakataranta ng marami dahil sa nangyaring blackout. Akala ay nagka-giyera na.

Mabuti na lamang at may mga radyong de baterya at gumagana pa rin ang mga telepono. Sa pamamagitan ng mga ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga-Napocor, Meralco at iba pang may kinalaman sa elektrisidad na mabigyan ng kaukulang impormasyon ang mga mamamayan. Nakatulong din nang malaki ang mga panawagan at paliwanag nina Defense Sec. Angelo Reyes, DILG Sec. Joey Lina at Energy Sec. Vince Perez.

Malaki ang pananagutan ng Napocor at Meralco sa nangyaring blackout. Responsibilidad nila ito at nagrerebelde ang mamamayan kapag nangyari muli ito. Noong nakaraang taon ay nangyari rin ito makaraang bumara ang mga dikya. Ano nga ba ang dahilan ngayon? Ipaliwanag n’yong mabuti Napocor at Meralco.

ANGELO REYES

DEFENSE SEC

ENERGY SEC

JOEY LINA

MARAMI

MERALCO

NAPOCOR

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

VINCE PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with