^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kidnap dito, kidnap doon

-
Pataas nang pataas ang bilang ng mga kaso ng kidnapping sa bansa. Ayon sa report, mula nang manungkulan si President Gloria Macapagal-Arroyo, 93 kaso ng kidnapping ang naganap kung saan 202 tao ang nabiktima. Nagpapatuloy pa ang pamamayagpag ng mga kidnappers at wala na silang kinatatakutan. Mas lalong naging halang ang kaluluwa sapagkat pinapatay na nila ang mga biktima kapag hindi nagkasundo sa ransom money. Isang halimbawa ay nang kidnapin at patayin ang isang Filipino-Chinese at isang pulis may ilang linggo na ang nakararaan.

Hindi lamang dito sa Metro Manila, sunud-sunod ang ginagawang pangingidnap. Maski sa Mindanao ay ganito rin ang nangyayari. Kinidnap noong Miyerkules ng gabi ang Catholic priest na si Fr. Giuseppi Pierantoni, 44. Kumakain ng hapunan si Father Pierantoni nang 15 kalalakihang armado ang puwersahang pumasok sa kumbento at kinaladkad siya palabas patungo sa isang naghihintay na pump boat. Bago umalis, nagpaputok pa ng baril ang mga kidnappers na pinaghihinalaang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Malaki naman ang hinala ng military na mga bandidong Abu Sayyaf ang dumukot kay Father Pierantoni.

Tinangka umanong habulin ng mga pulis ang mga kidnappers subalit mabilis umano ang pumpboat at nawala ito sa dilim. Naiwang nakanganga ang mga pulis sapagkat wala silang sasakyang kasimbilis ng pumpboat. Naglunsad na umano ng operasyon ang militar para hanapin ang mga abductors at bawiin si Father Pierantoni.

Noong nakarang linggo’y nagpalabas ng travel advisory ang United States na nagbabawal sa mga Amerikano na pumunta sa Mindanao. Nasaktan ang gobyerno at sinabing hindi tama ang travel advisory ng US. Pinababawi ang ipinahayag. Ngayong sunud-sunod ang kidnapping, maitatanggi ba ang katotohanang delikado na nga ang magtungo sa Mindanao dahil sa kalubhaan ng pangingidnap. Hindi pa napuputulan ng sungay ang mga Abu Sayyaf at maraming sutil na rebeldeng MILF na naghahasik ng kaguluhan. Hindi masisisi si Uncle Sam na pagbawalan ang mga mamamayang Amerikano. Maging dito sa Metro Manila ay hindi ligtas at gaano pa sa Mindanao. Kahit na hindi pa sumisingaw si Osama bin Laden, delikado na ang Mindanao.

Ipinaapura na ni GMA ang pag-review sa mga convicted kidnappers upang mabitay na ang mga ito. Sana’y totoo na ito at hindi banta lamang upang makapagpakita ng simpatya sa mga negosyanteng Intsik. Tuparin ang banta. Putulin ang kasamaan ng mga kriminal.

ABU SAYYAF

AMERIKANO

FATHER PIERANTONI

GIUSEPPI PIERANTONI

METRO MANILA

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with