^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Durugin ang mga kidnappers !

-
Habang abala ang gobyerno sa pagpapakitang gilas kay Uncle Sam para makatulong sa pagdurog sa terorismo, namamayagpag na naman ang mga kidnappers sa Metro Manila. Mas madugo at walang patawad na ang mga kidnappers ngayon na walang ipinagkaiba sa mga bandidong Abu Sayyaf. Pinapatay na ang mga biktima kapag hindi nagkasundo sa ransom. Wakang kasing lupit na maihahalintulad sa mga teroristang umatake sa America. Habang nagbabalak pang magpadala ng sundalo ang Pilipinas para makatulong sa mga Kano sa Afghanistan, umatake na naman ang mga kidnappers at naisahan ang mga alagad ng batas.

Kinidnap ng pitong kidnappers sina Connie Yap Wong, 52, isang Filipino Chinese businesswoman; escort nitong WPD policeman na si PO1 Dionisio Borca, 24, at ang driver na si Arcangel Barquilla noong October 1 sa Bgy. Manresa, Quezon City. Nag-demand ng P40 million ang mga kidnappers subalit hindi nagkasundo. Dinala ang tatlo sa Bgy. Bignay, Valenzuela City at doon pinagbabaril. Himala namang nakaligtas si Barquilla nang hindi umano pumutok ang baril ng mga kidnappers.

Ilang buwan na ang nakararaan nang magbanta si President Gloria Macapagal-Arroyo na madudurog na ang lahat ng mga criminal elements sa bansa. Ang pagbabanta ay tulad din ng ginawa niya sa mga Abu Sayyaf. Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang mga bandido at mga kidnappers.

Sa pag-atake ng mga kidnappers ay bumabalik na naman ang pagkatakot ng taumbayan. Maitatanong na saang lugar pa nga ba rito sa Pilipinas ligtas? Binuwag ni GMA ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at pinalitan ito ng National Anti-Crime Commission’s Anti-Kidnapping for Ransom Task Force (NAKTAF). Sa pagbuwag sa PAOCTF ay umasa ang taumbayan na wala nang mga halang ang kaluluwang mangingidnap. Nasangkot ang PAOCTF sa mga kidnap for ransom activities at isa ito sa mga akusasyong ibinabato kay Sen. Panfilo Lacson. Si Lacson ang dating hepe ng PAOCTF. Iniimbestigahan ng Senado ang mga akusasyon kay Lacson.

Ang pamamayagpag ng mga kidnappers ay nararapat bigyang-pansin ng mga awtoridad. Hangga’t may mga kidnappers, walang dayuhang magnanais magtungo sa ating bansa. Hindi nila gugustuhing pumunta rito para makidnap. Kapag nagpatuloy ang mga kidnappers, kawawa ang bansa at kawawa ang mga Pinoy. Durugin ang mga kidnap for ransom gang!Bgy. Bignay, Valenzuela City at doon pinagbabaril. Himala namang nakaligtas si Barquilla nang hindi umano pumutok ang baril ng mga kidnappers.

Ilang buwan na ang nakararaan nang magbanta si President Gloria Macapagal-Arroyo na madudurog na ang lahat ng mga criminal elements sa bansa. Ang pagbabanta ay tulad din ng ginawa niya sa mga Abu Sayyaf. Hanggang sa kasalukuyan, namamayagpag pa rin ang mga bandido at mga kidnappers.

Sa pag-atake ng mga kidnappers ay bumabalik na naman ang pagkatakot ng taumbayan. Maitatanong na saang lugar pa nga ba rito sa Pilipinas ligtas? Binuwag ni GMA ang Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at pinalitan ito ng National Anti-Crime Commission’s Anti-Kidnapping for Ransom Task Force (NAKTAF). Sa pagbuwag sa PAOCTF ay umasa ang taumbayan na wala nang mga halang ang kaluluwang mangingidnap. Nasangkot ang PAOCTF sa mga kidnap for ransom activities at isa ito sa mga akusasyong ibinabato kay Sen. Panfilo Lacson. Si Lacson ang dating hepe ng PAOCTF. Iniimbestigahan ng Senado ang mga akusasyon kay Lacson.

Ang pamamayagpag ng mga kidnappers ay nararapat bigyang-pansin ng mga awtoridad. Hangga’t may mga kidnappers, walang dayuhang magnanais magtungo sa ating bansa. Hindi nila gugustuhing pumunta rito para makidnap. Kapag nagpatuloy ang mga kidnappers, kawawa ang bansa at kawawa ang mga Pinoy. Durugin ang mga kidnap for ransom gang!

ABU SAYYAF

BGY

KIDNAPPERS

NATIONAL ANTI-CRIME COMMISSION

PANFILO LACSON

PAOCTF

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with