^

PSN Opinyon

Misteryosong biyahe ni Lacson

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Ang biyahe ni Sen. Ping Lacson sa abroad ay napakamisteryoso. Ito ay nagiging sanhi ng bulung-bulungan at haka-haka. Ang mga tanong ay kung babalik pa ba siya, o kukuha siya ng pera mula sa sinasabing ‘‘alleged hidden wealth’’ niya. Bitin na bitin ang mga Pilipinong sumusubaybay sa hearing at naiinip na sa resulta. Ang gulong ba ng hustisya ay aabante o aatras? Maraming grupong NGO, cause oriented groups at militanteng organisasyon ang nagpapahayag na rin ng pagdududa sa kalalabasan ng kaso. Kaya ba ng mga senador na tuluyan si Lacson, kapag napatunayan ang mga ibinibintang sa kanya? Iyan ang million peso question.

Sa dami ng testimoniya, at sa lalim ng detalyeng inilahad sa hearing, talagang maraming Pinoy ay kumbinsido na sabit si Lacson. Kung tama si Ador, Rosebud at Corpus, sa tingin ko, habang may nalalabing kahihiyan sa dating pulis, ay mag-resign na lang siya, at harapin ang mga paratang bilang indibidwal at pribadong mamamayan. Ngayon, kung mas makapal pa siya sa Maykapal, gamitin niya ang puwesto niya upang makapagtago.

Sana nga lang ay ituro rin niya ang ibang mga kasangkot nang sa gayon ay malinis na natin ng lubusan ang pamahalaan laban sa mga salot na droga. Sa ilalim ng sindikato, marahil nga ay tatamaan ang kapulisan. Pero siguradong mas marami riyan ang mabubuti at matitino. Kailangan lang tanggalin kaagad ang kanser para hindi makahawa ng iba.

Ano na ngayon ang sunod na mangyayari? Well, sa pagsalpok ng mga eroplano sa World Trade Center (WTC) at Pentagon, ang atensiyon ng buong mundo ay lumipat mula sa kanilang mga local na problema, patungo sa problemang pandaigdig, at ang posibilidad ng ikatlong digmaang pandaigdig. Siguro pag nagkataon, talagang makakalimutan na natin ang hearing ukol kay Lacson. Pero sa ngayon, kailangang bumalik tayo sa isyu ng Pinas at harapin ang problema.

vuukle comment

ANO

BITIN

IYAN

KAILANGAN

LACSON

PERO

PING LACSON

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with