^

PSN Opinyon

Panganganak ng baboy

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
Si Mang Pinong na asawa ni Aling Rosing ay nasa harapan ng kanilang bahay nang ako ay mapadaan.

"Kumusta ang baboy natin, Mang Pinong?" bati ko.

"Mabuti pa ang baboy at kinukumusta n’yo, Doktor."

"Paano ay kahati ako sa baboy, pero sa inyo ay wala akong hati." Nagpapaalaga kasi ako ng baboy kay Aling Rosing.

"Kaya nga may hinanakit ako sa baboy na alaga niya, Doktor," patuloy ni Mang Pinong.

Narinig pala ni Aling Rosing ang aming pag-uusap at sumabad. "Hoy Pinong, pati ba naman si Doktor ay isinasama mo sa kalokohan?"

Hindi pinansin ni Mang Pinong si Aling Rosing at itinuloy ang sinasabi sa akin. "Ang reklamo ko ay tungkol kay Rosing, Doktor. Biro n’yo, mas asikaso pa niya ang baboy kaysa sa akin. Nang minsang bumaha, iniakyat ang baboy dito sa bahay."

"E ano, malinis naman. Madalas maligo."

"Oo nga, mas malinis at mas madalas maligo ang baboy kaysa sa iyo."

Inambaan ng palo ni Aling Rosing si Mang Pinong at napatakbo tuloy ang lalaki. Pagkatapos ay nagsalita si Aling Rosing, "Naku, Doktor, sa isang linggo’y manganganak na ang baboy natin."

"Paano mo nalaman?"

"Madali lamang, Doktor. Ito ay tinatawag namin na tres-tres-tres. Ibig sabihin, tatlong buwan, tatlong linggo at tatlong araw. Kaya ang suma total ay 114 na araw mula sa paglilihi."

Nang sumunod na linggo’y nanganak nga ang baboy gaya ng sinabi ni Aling Rosing. Mahusay talaga siyang mag-alaga ng baboy. Maraming nalalaman.

ALING

ALING ROSING

BABOY

DOKTOR

HOY PINONG

KAYA

MANG PINONG

NANG

ROSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with