^

PSN Opinyon

Programang pabahay ng Arroyo administration

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Isa sa binibigyang pansin ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ay ang pagsasaayos ng pabahay para sa mga empleado ng gobyerno. Noong nakaraang linggo nagkaroon ng paglalagda ng isang kasunduan sa pagitan ng HUDCC, National Electrification Administration (NEA) at Philippine Electric Cooperative Association (Philreca) upang magkaroon ng mura at disenteng tahanan ang mga empleyado ng NEA at Philreca. Ayon sa kasunduan, ang NEA at Philreca ay magsasagawa ng survey sa kanilang mga empleado upang malaman ang mga pangangailangan sa pabahay at sila rin ang pipili sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Ang HUDCC ang magbibigay ng mga programang maaaring pagpilian ng mga empleado.

Ang kasunduan ay kabilang sa 14 na kasunduan na binuo ng HUDCC upang magkaroon ng murang pabahay para sa publiko at pribadong empleado. Sa kasalukuyan, mahigit sa P3 bilyon na ang naipapamahagi bilang tulong pinansiyal sa mga miyembro ng AFP, PNP, overseas workers, mga empleado ng pamahalaang lokal at nasyonal.

Sa ilalim ng Arroyo administration ang pangangailangan sa pabahay ng iba’t ibang sektor ng lipunan ay isa sa mga pinagtutuunan ng pansin. Alam ng pamahalaan na ang pamilyang Pilipino ay nararapat nakatira sa disenteng tahanan upang mapangalagaan ang kanilang sarili at dignidad.

ALAM

AYON

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

ISA

NATIONAL ELECTRIFICATION ADMINISTRATION

NOONG

PHILIPPINE ELECTRIC COOPERATIVE ASSOCIATION

PHILRECA

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with