^

PSN Opinyon

Lacson urong-sulong sa dollar accounts

SAPOL - Jarius Bondoc -
Ang hirap kuwentahin ng umano’y secret bank deposits ni Sen. Panfilo Lacson sa US, Canada at Hong Kong. Sa 11 solo at joint accounts pa lang nila ni Alice Lacson, $273,245,935.58 na. Dagdag pa ni ISAFP chief Col. Victor Corpus ang anim na joint accounts nina Lacson at Joseph Estrada na may $118,833,107.70. Ang daming comma at digits. Kung i-multiply mo pa by 53 para maging piso, lalong nakalulula. E meron pa raw sariling account si Estrada na $336,421,250.16, at si Sen. Loi Ejercito na $180 milyon.

Mas lalong nakahihilo ang mga sagot ni Lacson sa paratang ni Corpus. Nu’ng una, sabi niya na wala siyang account saan mang sulok ng mundo maliban sa Pinas. Kasi, wala naman daw siyang social security number para magbukas ng account sa US. Pero sa privilege speech niya, sabi niya meron pala siyang account sa Bank of America at Los Angeles nu’ng 1995, bagamat sinara na niya nu’ng 1997 o 1998. E papano ngayon ’yung sabi niyang wala siyang SS number? At papano ngayon ’yung pag-amin ng Bank of America na may account pala si Alice sa San Francisco, bagamat tila dormant na?

Sabi rin ni Lacson, ‘‘O, heto ang special power of attorney para i-withdraw ni Corpus ang pera kung meron man.’’ Pero ang SPA, walang bisa. Mali ang spelling ng pangalan; ginawang ‘‘Corpuz.’’ Tsaka puro account lang sa Hong Kong ang nilista; wala ’yung sa US at Canada. Kaso mo, sinara na ni Lacson ’yung Hong Kong accounts nang pumuslit siya doon nu’ng July 26-28.

Ayon pa kay Lacson, ni minsan daw ay hindi sila nahuli ng bata niyang Sr. Supt. Michael Ray Aquino sa US o Canada nu’ng 1999 dahil sa dollar smuggling. Guni-guni lang daw ni Corpus ’yon. Pero bakit may magkahiwalay na kaso sina Lacson at Aquino sa FBI? ’Yung kay Aquino, Criminal Case No. 99-71223-71. ’Yung kay Lacson, Criminal Case No. 99-72078-34. Padala ng FBI ang records na ’yan. Ano naman ang isasagot ni Lacson ngayon – na guni-guni lang ng FBI ang case numbers? Ngek!
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected].

vuukle comment

ALICE LACSON

AQUINO

BANK OF AMERICA

CRIMINAL CASE NO

HONG KONG

JOSEPH ESTRADA

LACSON

LOI EJERCITO

LOS ANGELES

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with