Paghahanap sa katotohanan
August 8, 2001 | 12:00am
Bumulaga sa taumbayan ang diumanoy secret dollar accounts ni Sen. Panfilo Lacson. Ayon sa ulat ni Col. Victor Corpus, hepe ng Intelligence Service ng AFP, ang mga diumanong dollar accounts ay nagkakahalaga ng mahigit $700-million. Kung ito ay ipapalit sa piso, sobra-sobra itong panustos sa budget ng ilang departamento ng pamahalaan. At kung maipagpapatuloy ang pagkuha ng intelligence o confidential report, puwede pa umanong umabot ang halaga sa $1-billion. Kabilang sa mga accounts ay nakapangalan kay Lacson, sa kanyang misis na si Alice at kay dating President Joseph Estrada.
Hindi biro ang ulat ni Corpus lalo na at tumulong diumano ang US Customs Service sa pagkalap ng impormasyon. Bago pa man lumabas ito, nauna nang itinanggi ni Lacson ilang buwan na ang nakararaan na mayroon siyang itinatagong dollar account. Hinamon pa nga niya noon si DOJ Secretary Hernando Perez na patunayan ito.
Lumabas ang ulat ni Corpus pagkatapos mag-file ng isang resolusyon si Sen. Ramon Revilla na nanawagan sa pag-imbestiga ng Senate Committee on Justice and Human Rights sa diumanoy partisipasyon ni Lacson sa money laundering at kidnapping.
Si Lacson, sa kanyang pagkakaluklok sa puwesto, ay pinagkatiwalaan ng marami sa ating mga kababayan. Kung gaano kalaki ang tiwalang ibinigay sa kanya, ganoon din kalaki ang kanyang pananagutan bilang mataas na opisyal sa bansa. Sa napipintong pag-imbestiga sa kanya ng Senado, inaasahang malalaman ang punot dulo nito. Sana ay lumabas ang katotohanan at kailangang managot kung mapatunayang nagkasala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest