Comelec walang alam sa batas
July 31, 2001 | 12:00am
Labag sa batas ang guilt by association. Kumbaga, di puwedeng i-lethal injection ang walang kamuwang-muwang na babae komo asawa siya ng isang kidnapper. Di puwedeng isakdal ang batang musmos komo anak siya ng isang rapist. Sentido-komon lang.
Pero guilt by association ang dinesisyon ng Comelec sa Citizens Battle Against Corruption (CIBAC), isang grupong lumaban at nagkamit ng 2.1 porsiyento ng boto para sa party list nung nakaraang election.
Sampung party list ang umani ng mahigit dalawang porsiyento ng boto para makapagpaupo ng sectoral rep. Kasama ang Mamamayan Ayaw sa Droga ni Richard Gomez; Nationalist Peoples Coalition ni Danding Cojuangco; at Lakas-NUCD ng gobyernong Arroyo. Lusot din ang bagitong Bayan Muna at datihan nang Akbayan. Pero kinuwestiyon ng CIBAC, Bayan Muna at Akbayan ang Comelec accreditation ng tatlong nauna. Kasi labag sa Konstitusyon ang pagsapi ng mga ito: Una, hindi naman marginalized o napabayaang sektor ang kinakatawan kundi mga malalaking partido politikal. Tapos, tumanggap pa ng pondo sa gobyernong Estrada ang MAD.
Tinanggal nga ng Comelec ang MAD, NPC at Lakas. Pero sinibak ang CIBAC. Ang katwiran ni Commissioner Resurreccion Borra, religious group daw kasi ito.
Mali si Borra. Ang pangunahing kinatawan ng CIBAC ay si Joel Villanueva, anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord born-again movement. Pero hindi born-again religious group ang CIBAC. Ang ikalawang kinatawan, si journalist Kim Bernardo, ay Katoliko-sarado; ang ikatlo, si Atty. Jess Martinez ay mainstream Protestant. Parehong hindi miyembro ng JIL. Kasi ang CIBAC ay samahan laban sa kabulukan sa gobyernot lipunan. Kaya nga isa ito sa mga nagsakdal kay Joseph Estrada sa impeachment trial.
Pero para kay Borra, basta may isang kasaping JIL sa isang partido, religious group na ito. Ni wala namang reklamo o ebidensiya.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended