Calling Banko Sentral
July 26, 2001 | 12:00am
Sa hirap ng buhay, marami tayong kababayang handang subukan ang ano mang gimmick para yumaman.
At ito naman ang sinasamantala ng ilang tusong negosyante.
Hindi na bago sa ating pandinig ang pyramid scheme. Katunayan, noong panahon ni dating Presidente Estrada ay nadawit ang asawa ng isa sa kanyang mga trusted official sa eskandalong ito.
Sa sistemang ito, magbabayad ka ng membership fee at kapag pasok ka na, obligado kang mag-recruit ng ibang miyembro. Mula sa membership fee ng iyong mga mare-recruit, magkaka-komisyon ka.
The more you recruit, the higher your commission will be. At mula sa mare-recruit ng iyong mga na-recruit, may komisyon ka pa rin..... ad infinitum.
Networking ang tawag ng iba diyan. Ginagamit din ang sistema sa pagbebenta ng mga kalakal.
Ngunit kapag perahan na ang pag-uusapan at walang ititindang kalakal, diyan na siguro tayo dapat mag-isip-isip, lalo pat medyo malaki ang investment na required
Maraming naeengganyo sa iskemang ito. Maganda kasi sa tingin. Pero kung pakakasuriin, may puntong nagigiba ang pyramid. Kapag hindi mo na nabayaran ang komisyon ng mga katakut-takot mong miyembro dahil saturated na ang market at wala ka nang ma-recruit, diyan na mag-uumpisa ang problema.
May tumawag sa akin sa telepono kamakailan. Concerned citizen na ayaw nang ipabanggit ang ngalan. Kung noong araw daw ay piso ang investment, ngayon daw ay dollar na!
Isa raw kaibigan ang nagyaya sa kanya sa fourth floor ng Mega Mall para dumalo sa seminar ng isang pyramid firm na ang pangalan ay Power Home.
Ang membership fee umano ay $236. Sa palitang P53-$1 na lang, nangangahulugan na itoy tumataginting na P12,508! At sangkatutak daw na mga kababayan natin ang dumadalo sa tuwing magdaraos ng seminar ang kompanyang ito. May permiso kaya ito ng Banko Sentral ng Pilipinas?
What makes the scheme so attractive is that the commission one will get will come in hefty dollars!
At may katuwirang mabahala ang ating caller. Patuloy na ngang bumabagsak ang halaga ng piso dahil sa pagtatago ng dollar ng ilang tusong negosyante, susulpot pa ang ganitong sistema na ang layuniy malikom ang dolyares ng ating mga kababayang nagbabakasakaling manganganak ng malaking interes ang kanilang kaunting salapi.
Panawagan lang natin sa ating mga kababayan, huwag karakarakang kakagat sa ganitong mga prospect. Mag-isip munang mabuti at mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
Konsiderahin din natin ang problema ng ating salapi na patuloy na bumabagsak dahil sa problemang pangkabuhayan ng daigdig na pinasasahol pa ng mga lintang nagtatago ng dolyar. Huwag kayong luminya sa mga taong nagpapalubha sa problema. Dahil in the long run, ang buong bansa natin ang kawawa kapag tuluyang nalugmok ang halaga ng ating piso. Tumulad tayo sa Korea.
Bumagsak ang halaga ng kanilang salapi at nagpakita ng great sense of patriotism ang mga Koreano. Ibinigay nila sa pamahalaan ang kanilang mga alahas na ginto upang gawing panggarantiya ng kanilang salapi kaya ngayon, maganda ang estado ng Korean Won.
Mahalin natin ang ating bansa at huwag lamang ang sarili. Let us live in one spirit of community because the Philippines is the nation given us by God. Lets love it!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended