^

PSN Opinyon

Pangkama na lang ang lalaki

SAPOL - Jarius Bondoc -
Talaga ha, kaya raw magbuntis ang isang babae miski walang sperm cell mula sa lalaki. ’Yan ang ibinibida ni Dr. Orly Lacham-Kaplan ng Monash University sa Melbourne, Australia. Ipinakita niya sa laboratory experiments na nagbuntis ang mga babaing daga sa pamamagitan lang ng kahit anong cell mula sa lalaking daga. Hindi niya pinag-copulate. Kumuha lang siya ng cell mula sa kung anong parte ng lalaki.

Theoretically, ani Dr. Kaplan, puwede rin daw itong gawin sa tao. Pipitas lang ng cell sa baog na lalaki – hindi sperm – at ipambubuntis na sa asawa. Magkakaanak na ang malungkot na mag-asawa.

Heto ang panggulat ni Dr. Kaplan: Miski cell mula sa isang babae, puwede ring ipambuntis sa ibang babae! Ano? E di wala nang silbi ang mga lalaki. Pangkama na lang kami. Magiging palipasan lang ng sarap. Hindi na kailangan sa normal na reproduction. Diyos kong mahabagin!

’Yan na nga ba ang pangaral sa akin ng Mommy ko simula bata. Mag-ingat daw ako sa babae. Lahi raw kami ng pikutin. Huwag daw akong bubukaka sa pag-upo. Hinuhubaran daw kami sa tingin ng babae. Baka raw ako pagsamantalahan, masasaktan lang ang puso ko. He-he-he, biro lang, mga chicks at hens.

Seryoso na. Nakababahala ang research ni Dr. Kaplan. Gigimbalin ang nakagawian ng tao sa loob ng daang-libong taon. Inamin niya na miski sa lesbian relationships, puwede nang magkaanak. Kukuha lang ng cell sa isang babae, at buntis na ’yung kapareha.

Ang pangamba lang daw niya, ani Dr. Kaplan, ay ’yung genetic defects na maaaring lumitaw sa kanyang experiments. Hindi na sa lesbian affairs kundi miski raw sa tunay na mag-asawang babae’t lalaki, maaring lumabas na abnormal ang anak. Buti sana kung kulang lang sa daliri. E kung ang ulo ay sa kilikili tumubo. Pero may ethical at moral issues din sa pakulo ni Dr. Kaplan. (Itutuloy)
* * *
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

ANO

BABAE

BUTI

CELL

DIYOS

DR. KAPLAN

DR. ORLY LACHAM-KAPLAN

LANG

MONASH UNIVERSITY

PILIPINO STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with