^

PSN Opinyon

Pasugalan sa Maynila isinawalat ni Lacuna

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Malayo pa ang 2004 elections subalit maagang nagbabangayan sina Mayor Lito Atienza at Vice Mayor Danny Lacuna. At ’ika nga sa baseball, mukhang naka-first base na si Lacuna dahil sa mga isiniwalat niyang malaganap na pasugalan sa Kamaynilaan samantalang itong si Atienza ay lulugu-lugo pa sa kaiisip kong papaluin niya o hindi ang bola.

Sumulat sa akin si Lacuna at kinokondena niya ang patuloy at hayagang operasyon ng pasugalan sa Maynila. At pinangalanan niya ang isang SPO4 Rene de Jesus na umano’y direktang nangangasiwa ng tong collection sa mga gambling lords sa siyudad. Sinabi naman ng aking espiya na si De Jesus ang kolektor ng City Hall detachment, ng Western Police District (WPD) headquarters, ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) at ng lokal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Magaling talaga sa bidding itong si Boss Rene, di ba mga suki?

Pinangalanan ni Lacuna ang mga gambling lords na nag-ooperate sa Manila na sina Milo S. ng Blumentritt; Joe M. at Tom S. ng Pandacan; Makay ng Tondo; Penny D.; Apeng Sy; Cesar Quiapo; Buboy Go; Romy G; Anthony S.; Boy R.; Sacho; Totoy Laway ng San Andres; Rey R.; Mila ng Herbosa-Capulong sa Tondo; Edith F.; at tatlong opisyal ng pulisya.

Siyempre, hindi makapag-ooperate itong mga gambling lords kung walang kasapakat na mga kabo tulad nina Senyong ng Herbosa at F. Varona; Ric Patay ng Corcuera at Franco Sts.; Rogie ng Dandan at Varona Sts.; Bogart ng Francisco St.; Rodel ng Esguerra, Velasquez at Yangco Sts.; Choy ng Esguerra at Yangco Sts., Chairman Danny R.; Val M. ng Gerona St.; Emy ng Pavia at Franco Sts.; Lando S. ng Maharlika condominium; Boy N. ng Zigbu St., at Berting Kalbo ng Balut sa sakop ng Station 1. Sina Boy D., ng Saragoza; chairman Jesus Taga ng Del Pan; Arsing ng Recto; Jayjay ng Wagas; Dadong at Eddie ng Asuncion; Romy G. at Peng D., at Sally ng Wagas; Ronnie at CID ng Asuncion at isang Atty. Meneses ng Station 2. Sina Roger A. naman sa Station 5, Medy ng Solis at Ogie ng Hermosa ng Station 7 at sina Lt. Rene V.; ng Sevilla at Barcelona, JR at Boy Ponga ng Del Pan sa Station 11.
* * *
VK watch! – Hindi lang pala si Jerry San Juan ang nag-ooperate ng video karera sa Pasay City kundi marami pa. Ang nakalulungkot lang nito Mayor Peewee Trinidad, marami sa kanila ang naka-assign sa City Hall detachment kaya ang buong akala ng mga residente sila ay kinakalong mo. Sinabi ng aking espiya na maliban kay San Juan, ang mga operator ng video karera sa Pasay City ay sina SPO3 Lando Pura, SPO3 Lando Carbonnel, SPO2 Leo Palattao, SPO4 Alfredo Bautista at SPO2 Willy Hidalgo at isang barangay chairman na alyas Lenny. Maliban kay Hidalgo na naka-assign sa headquarters ng Southern Police District (SPD) ang iba pang pulis ay nasa Mayor’s Squad ni Trinidad, anang aking espiya. Ang operation nila ay naka-umbrella kay Pura. Kung ninanakaw ang inyong makina roon magsadya kayo kina Carbonnel at Bautista at sigurado akong alam nila. Hayan Mayor Trinidad, walisin mo na sila!

ALFREDO BAUTISTA

ANTHONY S

APENG SY

CITY HALL

DEL PAN

FRANCO STS

PASAY CITY

ROMY G

YANGCO STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with