^

PSN Opinyon

Bigay saya kina Lolo at Lola

-
Tatlong bagay dito sa mundo ang hindi mapipigilang dumating at ito’y itinakda sa lahat ng nilalang. Ang pagsilang, ang paglaki at pagtanda at kamatayan.

Maraming matatanda ang nangungulila sa pagmamahal at pagkalinga ng mga taong sa buong-akala nila’y silang magiging gabay nila sa pagtanda. Dahil nga sa kakulangang nabanggit kung kaya maraming matatanda ang lumalayas sa kanilang tirahan, lumalaboy sa mga lansangan, namamalimos at iyong iba ay nasa mga bahay-ampunan. Marami sa kanila ang nakadadama ng pagkahabag sa sarili at humihiling sa Diyos na bawian na ng buhay.

Isang makabuluhang proyekto ang inilunsad kamakailan ng Manila-Gagalangin Lions Club District 301-A1 na tinawag na ‘‘Bigay saya kay Lolo at Lola’’ at ito’y ginanap sa Mendoza Compound, Pines Road, Tagaytay City.

Maraming lolo at lola ang tinipon at hinandugan ng isang natatanging palabas sa pangunguna ng project chairperson na si Maria Socorro Echevaria Nueno. Bukod sa masasarap na pagkain ay tumanggap din ang mga senior citizens ng sari-saring regalo na sadyang pinag-isipan, pinag-ipunan at inihanda nina Marisoc. Nagkaroon din ng paligsahan sa iba’t ibang laro ang matatanda. Isang musical program ang nilahukan ng lahat at labis na naaliw sa pagsasayaw ang matatanda.

Ayon kay Marisoc dahil sa matagumpay ang proyekto ay naisipan nila Dr. Sabina Mariano, Connie Dizon, Nenita Perez at iba pang opisyal at kasapi ng kanilang Lions Club na magsagawa ng kaparehong proyekto sa iba pang lugar sa Pilipinas.

CONNIE DIZON

DR. SABINA MARIANO

ISANG

LIONS CLUB

MANILA-GAGALANGIN LIONS CLUB DISTRICT

MARAMING

MARIA SOCORRO ECHEVARIA NUENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with