Alok ng Kano vs Abu hindi masama
June 2, 2001 | 12:00am
Noong isang araw, nabalita na nag-alok ng tulong ang mga Amerikano upang sugpuin ang mga bandidong Abu Sayyaf na kumidnap ng 20 katao sa Dos Palmas resort sa Palawan. Nakatakas ang mga bandido tangay ang mga bihag sakay ng dalawang mabibilis na kumpit patungong Mindanao.
Sa alok na tulong ng Kano ay may mga kumokontra at may mga sumasang-ayon. Ang mga ayaw pumayag ay nagsabing sampal daw sa mukha ng mga Pilipino at lumalabas na kaawa-awa sa mata ng mundo.
Ang mga sang-ayon ay natutuwa naman sa inialay na tulong ng mga Kano. Sinabi ng mga ito na malaki ang maitutulong ng mga Kano upang mapulbos ang mga bandido. Naniniwala sila na talung-talo ng mga bandido ang ating military kung mga armas pandigma ang pag-uusapan.
Susmaryosep naman talaga ang Pinoy. Masyado tayong mapa-fried chicken e wala naman sa lugar. Kailangang tanggapin na natin na mahihirapan tayong labanan ang Abu Sayyaf kaya kailangang maging praktikal tayo. Kailangang tapusin na ang Abu Sayyaf. Pride at ego ng bansa at mamamayan ang nakataya rito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended