Emosyonal ang election
May 16, 2001 | 12:00am
Ang mga magkakatunggali sa politika ay nagbabatuhan ng akusasyon ng "pandaraya".
Binabraso umano ng ruling PPC ang mga lokal na opisyal upang palitan ang tally sa kanilang mga nasasakupang lugar. Ito ang sigaw ng oposisyong Puwersa ng Masa.
Nanunuhol pa umano ang Malacañang ng halagang P200,000 community projects sa mga barangay kapalit ng minimithi nitong 13-0.
At yung mga sunud-sunod na brownout, sino ang puwedeng magpakulo nito?
Pero iyan din ang sigaw ng ruling PPC. Na may nakahandang high-tech cyber mechanism ang PnM para dayain ang resulta ng halalan.
Kaya ang payo natin sa mga kandidato, pati na sa ating mga readers (ano mang partido ang pinapanigan) na huwag munang magbunyi kung kayo ay nananalo sa unang bulusok ng bilangan. Maliban na lang sa local level na mabilis ang pagbibilang.
Sabi nga, "It ain’t over till it’s over". Baka nangunguna ang manok natin ngayon at malalaglag sa bandang huli at tayo’y magpoprotesta.
Ganyan ang asal ng ilang kandidato na kadalasan ay magrereklamong sila’y dinaya.
Ang napapansin ko ngayon, laging nasa Magic 13 si dating unang ginang Loi Estrada. Kapuna-puna rin na nasa sirkulo de panalo sina Gringo Honasan at Ping Lacson na unang idineklarang fugitive ng gobyerno dahil sa "rebellion".
Ayon pa nga sa exit poll survey ng DZRH, pumapang-apat si Mrs. Estrada at panglima si Gringo sa Magic 13 circle ng senatorial race.
Ang nakikita natin ay may simpatiya pa ang maraming tao sa kanila at iba pang PnM candidates.
Ito kaya’y dahil sa sentimiyentong Pinoy na kumakampi sa naaapi?
Hindi makapaniwala ang aktor na si Rudy Fernandez na tinambakan siya ng libu-libong boto ni Sonny Belmonte sa mayoral race sa Quezon City.
Sana’y maging maginoo si Rudy sa pagtanggap ng pagkatalo. Anyway, bata pa siya at may panahon pang patunayan ang kanyang mettle sa public service.
Daboy, hindi sapat ang popularidad dahil matalino na ang mga botanteng Pinoy. Magserbisyong bayan ka rin in some other way to prove na deserving ka sa lofty position sa QC.
Si SB (Sonny Belmonte) ay subok na. You will have your turn in the future pero magtanim ka muna ngayon ng mabuting punla.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest