Ihabla ang hospital director !
April 2, 2001 | 12:00am
Nababahala tayo sa gusot na nangyayari sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) sa Marikina.
May 230 residente raw ang madalas mag-people-power sa harap ng ospital dahil inirereklamo ang hospital director na si Dr. Ruben Flores. Ngayon daw ay takda na namang magtipon ang mga residente sa harap ng pagamutan upang ituloy ang kilos protesta.
Ang ARMMC ay isang government hospital at ang mga rallyist ay ipinoprotesta ang umano’y ‘‘masamang serbisyo sa pagamutan.’’
Inirereklamo nila na makupad daw umasikaso ng pasyente ang mga medical personnel kahit na sa mga emergency cases.
Bukod diyan, kulang daw sa gamot ang parmasya sa pagamutan, kulang ang mga pasilidad at gamot sa laboratoryo at ang x-ray machine ay matagal nang sira.
Sa loob daw ng 15-taong panunungkulan ni Flores sa pagamutan, wala siyang naibigay na mabuting serbisyo sa taumbayan kaya ‘‘wala siyang karapatang manatili pa sa puwesto.’’
At ito ang pinakamatindi sa lahat ng akusasyon nila: ‘‘Corrupt’’ daw si Dr. Flores at sa pakikipagsabwatan sa ilang Department of Health officials ay pumapasok sa mga tiwaling transaksiyon. Iyan daw ang dahilan kung bakit nagdi-deteriorate ang pagamutan at hindi makapagserbisyo ng husto sa mga mamamayan ng Marikina.
Pinangungunahan ni Ms. Jannete Cruz Garcia ang mga rallyists. Si Garcia ay chairperson ng Alis-Katiwalian sa Marikina, isang NGO sa naturang lungsod.
Partikular na inakusahan si Dr. Flores ng pagbibigay ng konsesyon sa iisang kompanya, ang AH Construction and Maintenance Services na ang tanggapan ay nasa Bicol pa! Lagi daw panalo sa mga bidding ang kompanyang ito at minamanipula daw ang mga kontrata kahit ang kompanya ay hindi kuwalipikado sa ilalim ng batas.
Nagkomprontasyon na raw sina Garcia at Dr. Flores at ang sabi raw ng hospital director ay politically motivated ang ginagawa ng mga nagsisipagprotesta. Baka raw may ambisyon itong si Garcia na kumandidato sa ano mang puwesto sa darating na halalan o kaya’y may sinusuportahang kandidato.
Sa ganang akin, kesyo politically motivated ang protesta o hindi, kung totoong masama ang serbisyo sa pagamutan at hindi tinutupad na nang maayos ng namumuno ang tungkulin, talagang dapat siyang sibakin at itapon sa kangkungan. Nakasusuka ang ganyang uri ng mga opisyal! Pweh!
Ang mga ganyang klase ng ‘‘public servant’’ kuno ang dahilan kung bakit walang kaase-asenso ang ating pobreng inambayan! Sila ang dapat bitayin. Pero kailangan ang due process at hindi lang protesta at publisidad.
Kung may ebidensiya ang mga accusers ni Dr. Flores, dapat lamang na magharap ng pormal na reklamo sa Ombudsman at nang sa gayo’y maparusahan kahit sinong demonyo ang dapat parusahan at malinis ang pangalan ng mga walang sala. Inuulit ko: Due process ang kailangan diyan at hindi puro protesta. Iyan ang maipapayo natin sa grupong nag aaklas laban kay Director Flores. Kung corrupt at pabaya, ang Doktor na iyan, dapat lang niyang panagutan pati yung mga pasyenteng nangamatay bunga ng sinasabi ninyong kapabayaan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended