Mister nahuli ni Misis sa motel
February 28, 2001 | 12:00am
Nitong nakaraang buwan, nagpaalam sa akin ang aking mister na mag-o-overtime raw sila sa opisina dahil maraming trabaho. Alam kong may pagka-palikero ang aking asawa kaya hindi ako kaagad naniwala sa kanya. Pinasundan ko siya sa aking kapatid na lalaki at pinabantayan mula sa opisina hanggang ito ay makalabas ng kanilang compound.
Pagkaraan ng dalawang oras, tumawag sa akin ang aking kapatid at sinabing pumasok daw sa motel ang sasakyan ng aking mister. Hindi ako nagdalawang-isip at kaagad nagtungo sa motel. Napapayag ko ang isang attendant na tulungan ako. Kumatok siya sa pintuan at sinabing room service. Nang magbukas ang pintuan, nabigla ang aking mister nang makita ako. Pinasok ko ang kuwarto at pinagsasabunutan ko ang babae.
Sa halip na ako ang mag-demanda, ako pa ang idinemanda ng babae. Dagdag pa rito, idedemanda rin daw ako ng manager ng motel dahil trespassing daw po ako at lumabag sa privacy ng kanilang mga kliyente.
May katwiran po ba ang manager at ang kabit ng aking asawa na idemanda ako? May karapatan din ba akong idemanda ang aking Mister? Mrs. Loreta Delfin ng Catanduanes
Ang manedyer ng motel ay mali nang sabihing trespassing ka.
Hindi ka trespasser dahil ang motel ay bukas 24 na oras sa isang araw.
Ayon sa batas ng trespass to dwelling, hindi krimen kapag ang isang tao ay pumasok sa cafe, taverns, inns at mga pampublikong lugar habang ito ay bukas.
Ngunit ang tungkol sa kabit ng mister mo, maaari siyang magsampa ng kaso para sa injuries na nakamtan niya dahil sa ginawa mong pananakit sa kanya.
Maaari kang magsampa ng legal separation sa iyong mister dahil sa sexual infidelity, ayon sa Art. 55 ng ating Civil Code.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest