Tip para madakma si Val Adriano
February 7, 2001 | 12:00am
Nagngingitngit sa galit na ipinag-utos ni Chief Superintendent Manuel Cabigon, hepe ng Southern Police District (SPD), ang pag-aresto sa gambling lord na si Val Adriano, ang tinaguriang Hari ng pa-bookies ng jai-alai sa Metro Manila.
Nakarating sa kaalaman ni Cabigon itong pagyayabang ni Adriano na kaya hindi magalaw-galaw ng pulisya ang kanyang illegal na trabaho ay dahil kumpleto siya ng intelihensiya.
Nilinaw ni Cabigon na mula nang manungkulan siya bilang hepe ng SPD ay hindi siya tumanggap ng pera galing sa illegal bilang katugunan sa no tong policy na kautusan ni dating Philippine National Police (PNP) Chief Director General Panfilo Lacson. Hindi ako nakialam diyan, aniya.
Pero mukhang tama itong si Adriano. Dahil minsan ng na-raid ng taga-Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanyang bahay sa San Andres, Manila sa kabila ng mga ebidensiyang nakuha sa kanya, nakaalpas pa siya. Nagkaayusan ba? Tanong lang.
Mukhang may kakutsaba naman itong si Adriano sa opisina ni Cabigon. Upang maiwasan naman ang galit ng hepe ng SPD, ang ginawa ni Adriano ay pinulong ang kanyang mga kubrador at pinag-iingat sila.
Ang siste ngayon, para hindi na lumutang pa ang pangalan ni Adriano, lahat ng kanyang kubrador ay binigyan o tinataasan niya ng porsiyento. Kuwarentay singko porsiyento na sa kubransa nila ang mga kubrador pero sila na ang bahala sa mga huli o intelihensiya. Magaling din ang sistemang ito ni Adriano. Pero mukhang hindi pangmatagalan ito dahil kung tutuusin, lugi ang mga kubrador dito. May posibilidad din na mawawalan din siya ng kubransa.
Kung mautak itong si Adriano mukhang nakatagpo siya ng katapat sa katauhan ni Cabigon. Sa ngayon, ang kautusan ni Cabigon ay bantayan ang mga bahay ng kubrador ni Adriano at huwag silang payagang makapangobra ng taya magpakailan man. Aba kung totoo ito, mangangahulugang walang makuhang kubransa itong mga kubrador ni Adriano.
Dahil dito wala rin silang maiakyat na pera sa hari ng pa-bookies sa jai alai. Buweno, ang tip ko kay Gen. Cabigon ay may malaking kubrador itong si Adriano na matatagpuan sa Pildera, Pasay City. Naka-motor ang kumukuha ng ruta roon at madali itong madakma. Kung gusto mo talagang mahuli ng personal itong si Adriano, General Cabigon, makikita mo lamang siya sa karerahan ng kabayo, sabungan at casino. Doon siya naglalagi at nagtatapon ng perang hindi naman sa kanya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest