^

PSN Opinyon

Akusadong walang sala

-
Sina Luisa at Rustico ay may factory na gumagawa ng mga spare parts ng barko. Dalawa sa kanilang trabahador ay sina Carding at Andy. Pagkaraan lang ng tatlong buwan umalis na sina Carding at Andy sa trabaho. Dalawang araw nang nakaaalis ang dalawa nang matuklasan ni Luisa na may mga spare parts ng barko na nawawala sa kanila na nagkakahalaga ng P48,000.

Pinaghinalaan niya si Andy. At sa tulong ng tiyuhin ni Andy, napabalik niya ito at kusang umamin na siya at si Carding ang nagnakaw. Lumagda pa si Andy sa isang sinumpaang salaysay sa CIS at sinabing pinagbili niya ang mga piyesa kay Mr. Chen isang negosyanteng nagtitinda ng spare parts ng barko at suki nina Luisa.

Hindi inireport ni Luisa ang pagnanakaw ni Andy at Carding. Pinatawad niya ang dalawa at si Mr. Chen ang kinasuhan niya. Dinemanda niya si Mr. Chen ng fencing o pagbili ng nakaw na bagay. May sala ba si Mr. Chen?

Wala.
Upang magkasala ng fencing, kailangang mapatunayan ng walang kaduda-duda na (1) may nangyaring nakawan; (2) na ang ninakaw ay binili ng akusado, (3) na alam ng akusado na ito’y nakaw; at (4) may balak ang akusado na makinabang o kumita sa pagbili niya nang nakaw na bagay.

Sa kasong ito, walang katunayan na may nakawang naganap dahil hindi man lang ini-report ni Luisa na siya’y nanakawan. Bagama’t umamin si Andy, ang pag-aming ito’y hindi magagamit laban sa ibang tao. Ito’y magagamit lamang laban kay Andy na siyang umamin. Sa madaling salita, hindi napatunayan na ang may-ari ng isang bagay ay nawalan at ang pagkawalang ito’y sanhi ng krimeng pagnanakaw. Bukod dito, wala ring katunayan na alam ni Mr. Chen na ang binili niya ay nakaw. Kaya hindi nagkasala si Mr. Chen ng fencing (Tan vs. People of the Philippines vs. G.R. No. 134295 August 26, 1999).

ANDY

BAGAMA

BUKOD

CHEN

DALAWA

LUISA

MR. CHEN

NIYA

PEOPLE OF THE PHILIPPINES

SINA LUISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with