EDITORYAL - Patayin ang agam-agam sa coup
January 25, 2001 | 12:00am
HINDI na dapat maulit ang nangyari sa administration ni dating President Cory Aquino na niligalig nang mga madugong kudeta. Siyam na sunud-sunod na kudeta ang isinampal sa gobyerno ni Cory. Bagamat hindi nagtagumpay ang kudeta noong 1989, grabeng inilugmok ng walang kasingsamang gawaing ito ang ekonomiya ng bansa. Nag-alisan ang mga foreign investors. Nawalan ng katahimikan ang taumbayan dahil sa kudetang pinamunuan ni Gringo Honasan, ngayo’y senador at kapanalig ng pinatalsik na si President Estrada. Bagamat nadakip si Honasan, nakatakas (o pinatakas) naman ito mula sa kinakukulungang barko at iniluklok pa nga ng taumbayan para maging senador. Isa si Honasan sa bumoto ng "no" para huwag mabuksan ang misteryosong envelope na kinaroroonan ng iba pang account ni Estrada. Isa si Honasan na pumigil para huwag lumabas ang katotohanan. Mabuti’t naulit ang People Power at nahatulan nang madali si Estrada. Nagtagumpay ang pagkakaisa at nakaupo bilang President si Gloria Macapagal-Arroyo.
Ngayon, limang araw makaraang maupo sa Malacañang si President Arroyo ay nililigalig na ito ng agam-agam sa kudeta. Noong isang araw, inireport na may mga tropa umano ng sundalong patungo sa Maynila. Galing umano sa Cagayan at Isabela ang mga sundalo at sinasabing loyal kay Honasan at kay Sen. Juan Ponce Enrile. Si Enrile, katulad ni Honasan ay kapanalig din ni Estrada at mahigpit na tumutol sa pagbubukas ng envelope. Bukod kay Honasan at Enrile, sangkot din umano sa paglulunsad ng kudeta sina Executive Secretary Edgardo Angara at dating Philippine National Police (PNP) chief Director Panfilo Lacson. Itinanggi naman ito ng apat.
Umano’y nagpulong na sina Enrile at Honasan tungkol sa kudeta ilang oras makaraang manumpa si President Arroyo. Tatlong sundalong kabilang sa RAM-YOU ang nagsabing sa bahay ni Enrile naganap ang pulong tungkol sa coup. May mga report din na kaya umano iwi-withdraw ang $3 milyon ni Estrada sa Citibank ay sapagkat gagamitin sa ilulunsad na coup. Tama naman ang ginawa ng Bureau of Internal Revenue na i-freeze ang account ni Estrada.
Dapat maagapang patayin ng Arroyo administration ang agam-agam sa kudeta. Habang kumakalat ang ganitong balita, hindi magkakaroon ng katiwasayan ang bansa. Matatakot ang mga investors. Kailangang tiyakin ng bagong administrasyon ang seguridad laban sa mga walang kaluluwang ang hangad ay manggulo o mangwasak lamang. Hindi dapat mabawi ang pagkakaisang ipinakita sa EDSA. Marami ang naghahangad ng katahimikan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest