Pati bata ay inimbestigahan na animo'y kriminal
January 8, 2001 | 12:00am
Desperado na talaga ang kapulisan para madakip ang mga nambomba sa Metro Manila noong Dec. 30, 2000 kaya maski 11-anyos na batang lalaking anak ng heneral ay inimbestigahan ng mga tauhan ni Southern Police District Director Sr. Supt. Manuel Cabigon.
Pinakinggan kong mabuti ang ibinigay na pahayag ng tatlong opisyal ng PNP sa mga radio station hinggil kay Emil Michael Vincent Ventura, grade 5 pupil, anak ni Gen. Diony Ventura, na nagka-war shock dahil sa sunod-sunod na pagtatanong ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa headquarters ng SPD sa Fort Bonifacio, Makati City.
Lumalabas na magkakaiba ang naging pahayag ng mga opisyal ng PNP partikular na ang sinabi ni NCRPO Chief Supt. Edgar Aglipay na inabisuhan na raw ni Cabigon si General Ventura hinggil sa imbestigasyon ng kanyang anak na si Michael pero bakit hinahanap pa ang pamilya ng bata.
Ang sabi naman ni PNP Chief Ping Lacson, hindi naman daw inaresto ang bata kundi dinala lang sa SPD headquarters upang tanungin dahil sa high tech ang pananalita. May inililihim yata si Lacson sa naganap na metro bombing dahil sinabi niyang fall guys daw ang mga nadakip ng ISAFP noong Biyernes.
Nagpakita na ng identification at calling card ni General Ventura si Michael na katunayang anak siya ng PNP official pero isinailalim pa rin siya sa tinatawag na ex-communicado.
Nakalimutan na yata ni Cabigon na magtalaga ng isang babaing pulis mula sa children and womens desk na siyang mag-iimbestiga sa bata at hindi katulad ng batang-isip na opisyal ng pulis.
Biruin nyo, bilyong pisong pondo ang inilaan ng Kongreso para sa intelligence network ng PNP upang magbigay ng seguridad sa masa pero ang nangyayari, kahit na sino ay suspect sa pambobomba. Siguro naman sa pondong nakalaan sa PNP ay puwedeng mag-eksperimentong makapaglalagay na ng 24 hour TV monitoring sa mataong lugar katulad sa Scotland. Doon ay mabibilang sa daliri ang nagaganap na krimen.
Epektibo lang yata ang intelligence network ng PNP sa mga pasugalan at putahan subalit ang pagdetect sa mga terorista ay walang pakinabang.
Ang masakit at nakakatawang sitwasyon ay na-wow mali" tuloy si Cabigon kasama na si MMDA chairman Jejomar Binay na nanuhol ng P2,000 upang umamin ang bata na look-out ng terorista. Ang hindi alam ng mga miyembro ng CIDG ay laking kampo ang bata at kahit na anong salita ang madinig sa pambobomba ay nagbibigay ito ng komento.
Dapat na ginawa ni Cabigon at Aglipay ay tinawag ang grupo ni Joey de Leon ng "Wow Mali" sa Channel 5 para mag-imbestiga sa bata.
Natawa tuloy ang isa kong kaibigang balikbayan na isang militar mula sa Taiwan hinggil sa inasal ng mga opisyal ng PNP. Sa pagmamadali raw na maresolba ang pambobombang naganap ay nag-uunahan ang mga ito na magpapogi sa masa para sila ang bida.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest