Broccoli at iba pang masusustansiyang pagkain
December 27, 2000 | 12:00am
Mataas sa Vitamin A ang broccoli na kilala bilang wild cabbage. Itoy sagana sa fiber na gamot sa mga cancer patients lalo na ang may breast at colon cancer kaya ito ay tinaguriang healing food. Mabisa itong panlunas sa mga may scarby at anemic. Gamot din ito sa mga may gastritis, rayuma at may katarata.
Sa mga may osteoporosis o ang kawalan ng calcium sa buto, ipinapayo ang pag-inom ng sariwang gatas, pagkain ng mga seafoods, prutas at gulay na mayaman sa bitamina at mineral.
Ang bayabas ay napakaraming gamit. Bukod sa masarap itong prutas ginagamit din itong panggamot. Ang dahon ng bayabas ay inilalaga at iniinom para mapawi ang pananakit ng tiyan. Ang dahon ng bayabas ay gamot din sa hilo at sakit ng ngipin. Itoy gamot din sa paglalanggas ng sugat lalo na sa mga bagong tule.
Ang bunga ng santol ay sinasabing mayaman din sa calcium. Mapakla ang katas ng santol na ginagamit sa pag-ampat ng pagdurugo ng sugat. Ang bunga ay inaalisan ng buto, kukudkurin at ginagataan. Masarap itong ulam. Ipini-preserve ang santol at ang minamatamis na santol na dumadaan sa isang proseso ay inilalagay sa mga botelyang container at itoy ine-export sa ibang bansa.
Ang malunggay ay isa pa ring napakasustansiyang gulay. Sa mga nagpapasuso ng sanggol ay ipinapayo ang pagkain ng dahon ng malunggay. Gamot din ito sa mga may alergy at pangangati ng balat. Mabisa rin itong pinagkukunan ng calcium at mga bitamina.
Ang ampalaya y mabuti sa katawan. Napatunayang mabuting kainin ng mga may sakit sa baga at maging may kanser. Ang ampalaya ay may mga sangkap ng mineral na kailangan para maging malusog ang katawan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am