^

PSN Opinyon

LISTO LANG - Opsiyon

- ni Joel Palacios -
May ilang atleta ang nanganganib na mabaog. Bagaman, ang mga manlalaro ng karate at boksing, football, maging basketball ay malayo sa panganib na mabugbog ang kanilang mga singit, dahil na rin sa taglay nilang pananggalang, hindi ito madaling sabihin para sa mahihilig sa off-road biking. Ayon sa ilang mananaliksik mula sa University Hospital Innsbruck sa Austria, ang pagbibisikleta ay nakapipinsala sa epididymis, o mga maliliit na tubong nakalikaw at nakatiklop sa likod ng bawat testis, o ang lugar na kung saan iniimbak at pinahihinog ang semilya. Maiiwasan lamang ang pagkapinsala sa epididymis kung nakasuot ng tamang proteksyon ang mga nagbibisikleta. Marami ang nagdadala ng kani-kanilang bisekleta sa nayon at kabukiran upang doo’y maglibot na hindi man lang inaalala ang maaaring maging dulot nito sa kanilang mga pagkalalaki. Malaking lamat sa pagkalalaki ang pagiging baog. Kahit na may ilang kalalakihan tulad ng mga pari ang hindi masyadong binibigyan halaga ng gayong aspeto ng kanilang katawan, ito ay malaya nilang pinili at hindi ibinunga ng pagbibisikleta.

Tagahanga ng Tour of Luzon: ‘‘Panahon na para gawing pambabae lamang ang pagbibisikleta. Hindi nila aalalahaning masisira ang kanilang pagkababae.’’

Organizer. ‘‘Hindi tama iyan. Ito ay isang malayang bansa. Ang mga kalalakihan ang may kakayahan at lakas na kinakailangan para magtagumpay sa isang mapanganib na laro. Maaari naman silang magsagawa ng kinakailangang paraan upang mapangalagaan ang kanilang pagkalalaki.’’

Maybahay ng isang manlalaro: ‘‘Kung may pinsala man, agad ba itong mararamdaman? Ilang taon bago ito maramdaman? Maraming taon na ring nagbibisikleta ang mister ko, baka hindi na kami makalalaki.’’

Ayon sa mga siyentipiko, kinakailangang magsuot ng mga tinatawag na shock-absorbent at iba pang pananggalang sa ‘‘pagkayanig’’ ng kanilang mga pagkalalaki. Bagaman isa ang pagbibisikleta sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga kalalakihan na nababaog, malaki rin ang epekto ng polusyon sa ‘‘pagkasira.’’ Kung kaya’t maraming kababaihan ang naghihinagpis sa Pilipinas. Nawalan sila ng pagkakataong ikalat ang kanilang lahi. Daig pa nila ang ibinilad sa disyerto – mainit ang katawan, ngunit walang papatid ng uhaw.

Kailangan ang lubusang pangangalaga sa kalusugang seksuwal ng mga kalalakihan. Mainam ang pagpaplano ng pamilya. Pero ang pagkabaog kailanma’y hindi naging katanggap-tanggap na opsiyon.

AYON

BAGAMAN

DAIG

ILANG

KANILANG

TOUR OF LUZON

UNIVERSITY HOSPITAL INNSBRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with