^

PSN Opinyon

Editoryal - Hiwaga ng P200-million

-
Maraming beses nang sinabi ni President Estrada na malinis ang kanyang konsiyensiya at wala siyang tinanggap ni isang sentimo sa jueteng money na ibinulgar ni Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson. Pawang kasinungalingan aniya ang mga sinabi ni Singson. May isang buwan na ang nakararaan mula nang ibulgar ni Singson ang jueteng payoff. Marami ang nagsabing "bayani" si Singson dahil sa inilantad nitong anomalya ng dating kaibigan. May bahid ng katotohanan sa mga ibinulgar ni Singson sapagkat tumutugma ang kanyang mga salaysay sa pahayag ng ibang witness sa Senate Blue Ribbon committee. Nakadagdag sa paniniwala ang pag-amin noon nina Senators John Osmeña at Tessie Aquino-Oreta na tumanggap sila ng tig-P1 milyong "balato" kay Singson. Umamin din sina Presidential Spokesperson Jerry Barican at dating Presidential Management Staff Lenny de Jesus na nakatanggap din sila ng balato.

Noong Huwebes ay marami ang nagulantang nang aminin ni Estrada na sinuhulan siya ni Singson nang P200 milyon. Ang pera umano ay hindi niya nahawakan at idineposito ni Atty. Edward Serapio sa bank account para sa Muslim Youth Foundation. Nang tanungin ng mga journalist sa annual Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ay namula ang pisngi ni Estrada at nagpakita ng pagkayamot sa mga tanong ng mga journalist tungkol sa jueteng at mga mansions.

Sa tanong na bakit hindi niya ipinahuli si Singson nang suhulan siya nito ng P200 milyon, sinabi nitong trabaho ito ng mga pulis at masyado umano siyang abala. Hindi sinabi ni Estrada kung saan siya abala ng mga panahong iyon. Halatang hindi nasiyahan ang nagtanong na journalist bagay na kataka-taka nga naman na ang isang Presidente ay susuhulan at wala man lamang ginawang hakbang sa manunuhol. Kung hindi niya nagawang pansinin ang panunuhol sapagkat siya ay "busy" paano na ang ibang problemang may kinalaman sa kapakanan ng mga mahihirap?

Mahiwaga rin na noong nakaraang buwan lamang niya nalaman ang tungkol sa P200 milyon na isinuhol ni Singson. Ganito na ba talaga siya ka-busy at ang malaking halaga ng pera na alam niyang galing sa ilegal ay hindi niya alam. Mahiwaga rin ang Muslim Youth Foundation na umano’y beneficiary ng P200 milyon. Ang nakapagtataka’y wala ni isa mang kabataang Muslim ang nakakapakinabang dito.

Anong hiwaga mayroon ang P200 milyon? Ito ba’y katha-katha lamang na nababalot ng kasinungalingan. Mainam kung magsasalita pa nang magsasalita si Estrada nang mabatid na ang katotohanang inaasam ng bayan.

EDWARD SERAPIO

FOREIGN CORRESPONDENTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ILOCOS SUR GOV

MAHIWAGA

MUSLIM YOUTH FOUNDATION

NANG

NOONG HUWEBES

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with