Sports Camp inihahanda na ng grupo ni Atong ?
October 27, 2000 | 12:00am
Kung seryoso na si Presidente Estrada na lipulin nga ang mga pasugalan sa bansa para umahong muli ang mabahong imahe niya bunga sa jueteng scandal, itong mga nakapaligid naman sa kanya ay hindi humihinto sa pagpapaikot sa kanya para siya mapahiya.
Kaya siguro ipinasara ni Erap ang Bingo 2-Ball, Jai-alai, Bingo on-line at iba pang mga sugal para maniwala ang masa na sinunod niya ang gusto nila. Taliwas naman ang ginawa nitong grupo ni Charlie Atong Ang, ang kanyang casino-buddy na sa tingin ng marami ay ugat sa expose ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson.
Sobrang malaking halaga ang nawala dito kay Ang nang magsara nga ang Bingo 2-Ball, jai alai at masiao kayat nag-isip na siya kaagad ng paraan para nga mapaikutan itong kautusan ni Erap. Milyon ang pinag-usapan dito, anang aking espiya.
Ang unang hakbang nitong grupo ni Ang ay ang pagpalabas ng temporary restraining order (TRO) sa Korte para nga mapabuksang muli itong jai alai. Kung sino man ang magpalabas ng TRO ay sigurado akong sususpetsahan kaagad na nasa payola ni Ang o kumita para rito. Hindi natin ikakaila na libu-libong mahihirap ang naapektuhan dito sa pagpasara ng mga pasugalan sa bansa. At kung magkaroon man ng TRO, sigurado akong maraming mahihirap ang matutuwa. Pero ang hangad ng mahihirap ay matapos na itong iskandalo na sinimulan nga ni Ang kayat nadawit ang kanilang idol na si Erap. Hindi sila papayag na dahil na naman kay Ang lalong bumaba ang pagtingin ng mga Pinoy sa kanya.
Ang balita kasi ng mahihirap, kapag hindi nakakuha ng TRO itong grupo ni Ang, ang kanilang sunod na hakbangin ay ang pagbubukas ng kompanyang Sports Camp, na gagamitin para sa pa-bookies ng jai alai at masiao. Ang Sports Camp ay nagsara ng mabuksan ang jai alai. Noong sarado pa ang jai alai, itong Sports Camp na nakarehistro sa magkapatid na Vic at Alex Yu ang nasa likod ng operasyon ng ilegal na cancha sa Mandaluyong City at sa Quezon City. Kunwari nagpapraktis lamang ang mga players doon subalit sa katotohanan ang lumalabas sa numero dito ang ginagawang winning combinations sa jai alai bookies at sa masiao sa Kabisayaan at Mindanao.
Sa araw na ito malalaman kung mabubuksan ang jai alai bunga ng TRO o ang Sports Camp na nga ang papalit dito. At sa tingin ng mahihirap, ang lahat na ito ay maniobra lamang ng grupo ni Ang para nga matuloy ang agos ng salapi sa kanyang kaban. Sa tingin ko ang talo sa operasyon na ito ni Ang ay walang iba kundi si Erap na lulugu-lugo na at halos hindi makatulog sa pag-iisip ng kanyang depensa sa ibinulgar ni Singson.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am