Hindi pa tapos ang LABAN - Mabuhay ang mga kalahok sa Abilympics
October 6, 2000 | 12:00am
BAGAMAN hindi nanalo ang ating bansa sa Sydney Olympics, ipinamalas naman ng ating mga kababayang may kapansanan ang kanilang galing sa International Abilympics na ginawa sa Prague, Czech Republic noong Agosto 10-13, 2000. Ang Abilympics ay paligsahan ng mga may kapansanan sa buong mundo.
Nag-uwi ng mga gintong medalya sina Alma Mosote, Jaime de Leon, Jeadel Joy Agripo, Jocelyn Llanilo at Rufino Humilan. Ang mga paligsahang sinalihan ay advertising, poster design, water reuse at iba pa.
Ang ipinamalas nilang galing ay isang malaking karangalan sa ating bansa. Ilang bansa na rin ang nakilala dahil sa ipinamalas na galing at determinasyon ng mga may kapansanan. Sa kabila ng mababang tingin sa kanila ng lipunan, nagpatuloy pa rin silang umangat sa kanilang kinalalagyan. Hindi nila itinuring ang kanilang kapansanan na hadlang upang makamit ang kanilang mga ambisyon.
Kasama ang pananalig sa Diyos, isang pagpapatunay ito na walang imposible na makamit ang mga pangarap sa buhay. Hindi sagabal ang kapansanan sa pagpapatuloy na makamit ang mga ambisyon.
Ang nagawa ng mga may kapansanan sa ating bansa ay magsilbi din sanang hamon sa pamahalaan upang patuloy na itaguyod at pagtibayin ang kanilang karapatan at kapakanan.
Sa mga kalahok ng Abilympics, salamat sa karangalang ibinigay ninyo sa ating bansa. Mabuhay po kayo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest