DOJ, Senado tinaniman ng bomba

MANILA, Philippines — Isang pagsaboog ang naganap sa entrance gate ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura St. sa Maynila habang natagpuan naman sa Diokno Boulevard, Pasay City, malapit sa Senado ang isang Improvised Explosve Device (IED) kahapon ng umaga.
Batay sa imbestigasyon, naganap ang pagsabog sa DOJ dakong alas- 12:17 ng madaling araw, na wala namang naiulat na nasawi. Agad na ipinaalam sa Explosive Ordnance Disposal ng Manila Police District para sa technical investigation. Kabilang sa sinusuri ang ilang closed-circuit television (CCTV) footage mula sa lugar para matukoy kung sino ang responsable, at matunton ang pinagmulan at motibo. Tiniyak din ng DOJ na kontrolado ang sitwasyon, at nananatiling ligtas ang compound ng DOJ.
Samantala, dakong alas-8:13 ng umaga, isang pampasabog din ang natuklasan sa Diokno Boulevard, Pasay City, malapit sa Senado.
Ayon sa Pasay City Police, naglalaman ng 9-volt battery, isang blasting cap, timer at plastic container na may kulay brown na powder substance. Wala namang naganap na pagsabog dahil sa ligtas na proseso sa pag-neutralize sa explosive device ng EOD.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang dalawang insidente.
- Latest




















