Kelot niratrat ng tandem

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Idineklarang dead- on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Mark Anthony Marcos, 22, ng Brgy. Pasong Tamo, ng nabanggit na lungsod.
Nagsasagawa na ng follow up investigation at manhunt operation ang Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD) laban sa riding-in-tandem na tumakas patungong Philand Drive at dala ang ginamit na baril.
Lumilitaw na nangyari ang insidente bandang alas-12:40 ng madaling araw sa San Roque, Pingkian I, Brgy. Pasong Tamo, QC kung saan nakatayo ang biktima sa lugar kasama ng saksing alyas “Gelo”.
Bigla umanong sumulpot ang riding-in-tandem na at alang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Nakuha naman sa crime scene ng SOCO Team mula sa QCPDFU sa pangunguna ni PMaj Eric Angay-Angay ang limang basyo ng bala ng baril.
- Latest
























