QCitizens, traders makiisa sa 2025 Earth Hour - Mayor Joy

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente at mga negosyante sa lungsod na makiisa sa selebrasyon ng Earth Hour 2025 ngayong Sabado, sa ganap na alas-8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi kung saan magpapatay ng kanilang mga ilaw.
“When we switch off our lights, we do more than conserve energy—we are taking a stand against the rising greenhouse gas emissions fueling climate change. It’s a simple act that reminds us of our impact on the planet and the need for urgent action,”
Mayor Joy Belmonte na isang UN Environment Program Champion of the Earth awardee.
Ngayong sabado, ang lungsod ang magsisilbing host sa ceremonial switch-off sa Robinsons Magnolia QC na layong hikayatin ang komunidad na suportahan ang sustainability at climate action ng lokal na pamahalaan.
Magsisimula ang programa ng alas-4 ngayong hapon sa pamamagitan ng interactive exhibits, sustainability talks, at special screening ng A Thousand Forests — na 2024 Philippine coming-
of-age musical film sinulat ni Jeff Ocampo at idinerek ni Hanz Florentino.
Tampok sa selebrasyon ang official lights-off ceremony mula alas-8 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi na pangungunahan nina Mayor Belmonte at mga kinatawan ng Robinsons Magnolia.
“This gathering highlights the impact of collective action in confronting challenges like climate change. By coming together for Earth Hour, we take a step towards a cleaner, more resilient, and more sustainable Quezon City,” dagdag pa ni Mayor Belmonte.
- Latest